YouTuber at ex-PBB housemate na si Wil Dasovich, nakatanggap ng $30,000 o higit P1M nang manalo sa Vlogfest 2021 sa Malta!

Isang Filipino-American na modelo at celebrity si Wil Dasovich pero mas kilala siya ng karamihan dahil sa kanyang mga vlogs. Mahilig si Wil sa adventures at pagta-travel at ibinabahagi niya ang kanyang mga karanasan sa bawat lugar na kanyang pinupuntahan.

Credit: @wil_dasovich Instagram

Dahil sa matinding hilig niya sa pagva-vlog ay sumali siya sa isang international vlog fest kung saan nadiskubre ang kanyang husay at galing sa paggawa ng istorya sa pamamagitan ng bidyu.

Sa mahigit na isang buwang pananatili sa Europe, proud na ibinahagi ni Wil ang kanyang milestone nang inanunsyo niya sa Instagram na nanalo siya at ang kanyang team sa international VlogFest na nangyari sa Malta noong Hulyo 9 hanggang 14.

Credit: @wil_dasovich Instagram

Bilang isang vlogger ay nakitaan ito ni Wil ng challenge kung kaya ay wala siyang pag-aalinlangang sumali at kaagad na lumipad papuntang Malta kasama ang kapatid na si Hailey at at kapwa vlogger na si Daniel Marsh upang makagawa ng video na makakapukaw ng interes ng mga tao na bumisita sa Malta.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Wil Dasovich (@wil_dasovich)

Hulyo 15 nang nag-post si Wil sa Instagram ng isang video kung saan ay inanunsyo nila sa publiko na nanalo sila ng $30,000 sa sinalihang VlogFest.

“WE DID IT!!! We won the Vlogfest PLUS $30,000 😱😱😱 🏆🇵🇭 1st award I’ve ever got that came with a bag, how generous!”

Credit: @wil_dasovich Instagram

Inamin din ni Wil na hindi niya masyadong naririnig ang Malta bago sila nagpunta kaya nasurpresa siya nang makitang sobrang ganda pala ng lugar.

Credit: @wil_dasovich Instagram

“This entire Euro trip has been one of the most incredible travels of my life and to be honest, before heading on this trip I’d barely even heard of Malta! 🤣 but after weeks on this island I can definitely say it’s one of the most unique countries I’ve been to and Valletta is on my top 5 must see cities in the world!”

Malaki rin ang pasasalamat ni Wil sa kanyang grupo dahil nagawa umano nila ang isang amazing video upang i-showcase ang kagandahan ng Malta.

“Im gratified through the roof to be casted in this creative group of filmmakers who were all able to showcase this lesser known gem of the Mediterranean in their own customized way of storytelling.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Wil Dasovich (@wil_dasovich)

Kalakip sa post ng pagkapanalo ni Wil ay ibinahagi rin niya ang istorya sa video na ikinapanalo nila.

Credit: @wil_dasovich Instagram

Nagkaroon umano siya ng mga pagkakataon kung saan napapatanong siya sa sarili kung worth it ba ang lahat pero hindi nagpatinag si Wil at imbes na sumuko ay mas lalo lamang siyang naging determinado at nakapag-produce nga ng amazing video na nagbunga ng magandang resulta.