YouTuber na si Cong TV, may sweet na ginawa para sa buntis na girlfriend na si Viy Cortez

Wala talagang katapusan ang “Sana all” ng karamihan dahil habang tumatagal, mas lalo lamang na tumitibay at nagiging sweet ang bawat moment ng couple na si Lincoln Velasquez o mas kilala bilang Cong TV at Viy Cortez.

Credit: @thecongtv Tiktok

Isa si Cong TV sa mga sikat na Youtube vlogger ngayon dahil sa kanyang nakatatawang content na palaging nakapaghahatid ng good vibes sa kanyang manonood. Maliban sa kanyang contents, labis din na hinahangaan at sinusubaybayan ng karamihan ang relationship nila ng kanyang partner na si Viy Cortez dahil kahit na’y matagal na silang magkasama, hindi pa rin kumukupas ang kilig at pagmamahalan ng dalawa. Talagang pinatunayan nila na kahit matagal na silang nagsasama, mas lalo lamang na tumatamis ang kanilang bawat moment.

@thecongtvpatulugin ang buntis..♬ original sound – Cong TV

Marami ngayong issues tungkol sa hiwalayan sa pagitan ng sikat at kilalang mga personalidad sa showbiz kaya marami talaga ang nakaka-appreciate sa pagmamahal, loyalty, at assurance na ipinapakita at ibinibigay ni Cong sa kanyang partner na si Viy.

Credit: @thecongtv Tiktok

Matatandaan kumakailan lamang nang naging usapan sa publiko ang ginawa ni Cong nang nasa airport na siya kasama ang Team Payaman papunta sa Thailand ngunit mas minabuting umuwi na lamang upang makasama ang partner lalo na’t kasalukuyan itong buntis sa pinakauna nilang baby na kung tawagin nila bilang si baby Kidlat ngunit hindi lang pala dito natatapos ang kilig dahil mayroon na naman siyang sweet na gesture na ginawa para kay Viy.

Sa latest na video na ibinahagi ni Cong sa Tiktok, mapapanood ang pagharana niya kay Viy na mukhang ready na sa pagtulog.

“patulugin ang buntis,” sulat ni Cong sa kanyang caption.

Credit: @thecongtv Tiktok

Habang nakahiga sa kama si Viy at mukhang naghihintay na lamang ng antok, hinarana at kinantahan siya ni Cong ng “Especially For You,” isang orihinal na kanta ni Kylie Minogue at Jason Donovan na may matching gitara pa.

“Guys, patutulugin natin ‘yung buntis kasi hindi siya makatulog,” sabi ni Cong pero kaagad naman siyang binisto ni Viy na nagsabing ilang beses na umano itong kumanta ngunit hindi pa rin siya nakakatulog.

“Kasi sampung take na ‘to, guys kasi gusto ko makatulog talaga siya,” depensa naman ni Cong sa sarili pero sa kalagitnaan ng kanyang pagkanta, siya umano ang nakaramdam ng antok dahilan kung bakit malakas na napatawa si Viy.

Credit: @thecongtv Tiktok

Hindi man effective ang oplan pagpapatulog niya sa buntis, marami naman ang nakaramdam ng kilig dahil bibihira na lamang umano ang mga lalaking sobrang sweet kagaya ni Cong.

Mula sa umaga hanggang sa gabi, long-lasting talaga ang sweetness ng isang Cong!