YouTuber na si Zeinab Harake, ipinakita na sa publiko ang cute na mukha ng anak nila ni Skusta Clee

Sobrang laki ng mundo ng showbiz. Bukod sa mga artista na kadalasang nakikita natin sa TV, mapa-pelikula man o teleserye ay mayroon ding mga tao na hindi man kadalasang nakikita sa TV pero kilala naman ng karamihan sa online world. Katulad na lamang ni Zeinab Harake, isang sikat na social media celebrity.

Credit: @zeinab_harake Instagram

Sa pag-usbong ng iba’t-ibang social media platforms ay naging daan naman ito para sa ilan upang makilala at madiskubre ng mga tao. Katulad na lamang ng mga vloggers na may sariling Youtube channel at nakabuo ng pangalan at reputasyon sa sariling sikap.

Kilala si Zeinab bilang isang vlogger dahil sa mga ibinabahaging video sa sariling YouTube channel tungkol sa lifestyle at mga challenge videos. Taong 2017 nang nagsimula siya sa pagva-vlog at unti-unting sumikat at sa kasalukuyan ay mayroon ng mahigit 8 million subscribers.

Kilala rin si Zeinab bilang girlfriend ng rapper at miyembro ng grupong Ex-Battalion na si Daryl Ruiz o mas kilala ng lahat sa pangalang Skusta Clee.

Credit: @zeinab_harake Instagram

Sa kabila ng isyu nila ng hiwalayan at pagkakabalikan ay noon lamang nakaraang taon nang ibinalita ng dalawa sa kanilang social media accounts ang pagbubuntis ni Zeinab sa anak ni Daryl.

Marami naman ang naging masaya para sa dalawa nang natanggap ang balita at mas marami ang nag-aabang sa paglabas ng kanilang magiging anak.

May 1 nang ibinalita ni Daryl na isinilang na ng kanyang girlfriend ang kanilang unang anak, isang malusog na baby girl.

Sa ibinahaging vlog ni Zeinab sa kanyang YouTube channel kumakailan lamang ay ibinunyag niya sa publiko ang buong pangalan ng kanyang anak na noo’y kilala lamang ng kanyang mga followers sa palayaw nito na si baby “Bia”.

Credit: @zeinab_harake Instagram

“Ang real name ni Bia is…siya ang totoong Zebbiana. Yehey!,” masayang sabi ni Zeinab.

“Opo, totoo po. Zebbiana po ang pangalan niya. So, ang full name niya is Zebbiana H. Ruiz,” paglilinaw ni Zeinab.

Nang tinanong kung kailan niya ipapakita ang mukha ng anak ay “surprise” lamang lamang ang sagot niya.

“Hindi ko sasabihin. Bibiglain na lang namin kayo. It’s a surprise. Gano’n!” pahayag ni Zeinab.

Credit: @zebbiana_ Instagram

Totoo nga sa kanyang salita, nito lamang Linggo, June 20 ay ibinahagi ni Zeinab sa Instagram ang isang boomerang video kung saan ay makikita siya at si Baby Bia.

“Follow Bia on her Instagram account @zebbiana_🥺,” sulat ni Zeinab bilang caption.

Inulan naman ng papuri si baby Bia dahil sa cuteness nito. Isa na nga rito ay si Loisa Andalio at Flow G pati na rin ng mga fans ng kanyang parents.

Credit: @zebbiana_ Instagram

Ngayon lamang Thursday, June 24 ay kasalukuyang may 388k followers na si baby Bia sa Instagram.