Ysabel Ortega, ikwinento ang mga naging sakripisyo para makapagtapos ng kolehiyo habang abala sa pag-aartista

Isa si Ysabel Ortega sa mga sumisikat na young actress ngayon sa showbiz. Matatandaang nakilala si Ysabel noong 2017 matapos niyang ipakita ang kanyang kahanga-hangang talento sa pag-arte sa drama serye na “Pusong Ligaw.” Bukod dito, kilala rin siyang magaling na dancer at model.

Credit: @ysabel_ortega Instagram

Pero alam n’yo ba na habang nagsisikap si Ysabel sa harap ng camera ay nagsusunog din siya ng kilay?

Lahat nga ng hirap at pagsubok na pinagdaanan ni Ysabel habang pinagsasabay ang pag-aartista at ang pag-aaral sa kolehiyo ay nagbunga matapos niyang makuha ang kanyang diploma.

Noong Agosto 14, masayang ibinahagi ni Ysabel sa kanyang Instagram ang pagtatapos niya sa kursong Bachelor of Arts in Political Economy sa University of Asia and the Pacific. Ayon kay Ysabel, hindi madali ang kanyang pinagdaanan para lamang makarating sa “finish line.”

Credit: @ysabel_ortega Instagram

Kwento ni Ysabel, puso, luha, at oras ang ibinuhos niya sa nakalipas na apat na taon para lamang matapos ang kanyang kinuhang kurso. Ibinahagi naman ni Ysabel ang ilan sa mga hirap na naranasan niya habang binabalanse ang pag-aartista at ang kanyang pag-aaral.

“For the past four years, I worked so hard to balance my career and my studies. I remember keeping myself awake and sane in class using cans of energy drinks and coffee, along with matching nervous breakdowns whenever I had to leave exams early just to make it to work on time, vice versa,” paglalahad niya.

Credit: @ysabel_ortega Instagram

Ibinunyag ni Ysabel na maraming tao ang nagsabi sa kanyang huminto sa showbiz para magpokus sa kanyang pag-aaral o vice-versa, ngunit aniya, mas pinili umano niyang magtiyaga kaysa sukuan ang kanyang mga pangarap.

Credit: @ysabel_ortega Instagram

“People told me to just choose. Some told me to drop out and focus on my work, while others told me to quit showbiz and focus on my studies instead. There were some who thought I wouldn’t be able to do both and there were times in where I was so close to believing them, but I didn’t want to give up on my dreams. Now, here I am with proof that if you put your heart into whatever you wish to achieve, you can make it happen,” ani Ysabel.

Credit: @ysabel_ortega Instagram

Samantala, ang kanyang tagumpay ay taos-pusong inialay ni Ysabel sa Maykapal at sa mga taong naniwala sa kanyang kakayahan.

Aniya, “Thank you to my parents, for pushing me and always being my rock. To my blockmates and the friends I have made throughout my stay in UA&P, you are part of why I will always treasure my college days. To my professors, thank you for believing in me. I may not be getting my graduation march, but I’m still as grateful and as proud of what I have accomplished. This is all for You.”