Ysabel Ortega-Lapid, ipinasilip ang kanilang modern Balinese-inspired beach house sa La Union

Tinupad ng Kapuso teen actress na si Ysabel Ortega ang request ng kanyang mga subscriber sa YouTube na isang house tour vlog sa kanyang bahay sa La Union. Binuksan nga ni Ysabel ang napakagandang bahay nila sa La Union na kaharap lamang ng dagat.

       Credit: Ysabel Ortega YouTube

Kung bibisita ka sa bahay ng pamilya ni Ysabel sa La Union ay unang bubungad sa iyo ang kanilang bamboo sala na gawa ng mga local furniture maker sa La Union.

Ipinasyal din ni Ysabel ang kanyang mga subscriber sa kanilang Koi pond na siyam na talampakan ang lalim at mayroong mahigit 50 na Koi fish.

Credit: Ysabel Ortega YouTube

Karamihan sa mga furniture pieces na makikita sa bahay ni Ysabel ay gawa sa purong kahoy.

Sa pinaka-main o pangunahing sala ng bahay nina Ysabel ay makikita ang iba’t ibang solid wood decoration pieces.

Credit: Ysabel Ortega YouTube

Ayon kay Ysabel, ang kabuuang desenyo ng kanilang beach house ay “modern Balinese-inspired with some Filipino element”.

Ang dingding ng bahay ay pininturahan ng puti na bumagay nama sa mga wood furniture piece na makikita sa loob ng bahay nina Ysabel.

Sa kanilang sala nga ay highlight ang family picture ni Ysabel.

Credit: Ysabel Ortega YouTube

Sa pangalawang sala nga nina Ysabel ay kapansin-pansin ang maraming Balinese-inspired home decorations na karamihan ay mula sa furniture at home decor company na Crate and Barrel.

Sa isa pang sala ay ipinakita naman ni Ysabel ang paborito niyang sofa kung saan ay madalas siyang tumatambay.

Credit: Ysabel Ortega YouTube

Nakadagdag din ng buhay sa kanilang malawak na sala ang kanilang napakalaking Christmas tree, isang hugis bilog na salamin, at vases.

Sunod na ipinakita ni Ysabel ang kanilang dining area kung saan makikita ang kanilang hugis bilog na dining table.

Credit: Ysabel Ortega YouTube

Kwento ni Ysabel, ang kanilang dining table ay mula sa isang “uprooted tree” na ginawa nilang isang lamesa.

Maging ang mga upuan sa kanilang dining area ay gawa rin sa “solid wood”.

Sunod na dumako si Ysabel sa indoor-outdoor lanai ng bahay kung saan madalas siyang tumatambay at namamalagi ang kanilang mga bisita.

Credit: Ysabel Ortega YouTube

Mula sa kanilang lanai ay makikita mo naman ang napakagandang view ng sunset at dagat.

Dalawang klaseng swimming pool naman ang makikita sa labas ng bahay nina Ysabel. Isang regular pool, kiddie pool at sa taas lamang ng kanilang swimming pool makikita ang kanilang jacuzzi at water fountain.

Credit: Ysabel Ortega YouTube

Bukod sa mga ito ay ipinakita rin ni Ysabel ang opisina ng kanyang stepdad na si dating PNP Director Gregorio “Greg” Pimentel.

Sa mga hindi nakakaalam, si Ysabel ay anak ng dating singer na si Michelle Ortega sa aktor na si Lito Lapid. Noong 2018 ay ikinasal si Michelle at Gregorio.

Huli namang ipinakita ni Michelle sa house tour ang kanilang movie room, kitchen room at prayer area.