Zeinab Harake at Skusta Clee, binihisan ng mala-Disney Princess ang kanilang anak na si Bia para sa unang pictorial nito

Talaga namang naghahatid ng kaligayahan ang isang baby sa kanyang mga magulang. Nang dumating si baby Bia sa buhay ng YouTube vlogger na si Zeinab Harake at ang boyfriend nito na si Daryl Borja o mas kilala bilang si Skusta Clee na isang sikat na rapper ay labis na kasiyahan ang kanilang naranasan.

Credit: @zebbiana_ Instagram

Nagdulot si baby Bia ng maraming pagbabago sa kanilang buhay at dahil sa kanya ay mas lalo lamang na tumatag ang pagsasama ng magkasintahan.

Nang tumungtong sa unang buwan ang anak nila Zeinab noong May 28 ay napagdesisyunan ni Mommy Zeinab na magkaroon ng photosh0ot. Sa ginanap na photosho0t ay nagbihis si baby Bia bilang si Princess Aurora habang nakasuot ng pink crochet na damit at may suot pang baby headband na may design na korona.

Ginanap ang simpleng photoshoot ni baby Bia sa sarili nilang bahay. Sa ibinahaging vlog ni Zeinab nito lamang July 6, 2021 ay makikita ang “behind the scenes” sa ginawang photosh0ot para sa anak.

Credit: @zebbiana_ Instagram

Makikita sa vlog ng sikat na YouTuber kung paano niya pinapatahan ang one-month-old na anak kasama ang boyfriend na si Skusta habang katulong din ang iilang kasamahan nila sa bahay.

“Anak, sleeping beauty. Sleep ka muna,” pagbibiro ni Zeinab nang gising na gising ang anak habang kinukunan ng mga litrato.

Sa maikling break ay makikitang buhat ni Skusta si baby Bia habang nakahawak naman si Zeinab ng camera at sabay silang namili ng mga magagandang pictures ng anak. Hindi rin nakalagpas sa mata ng mga netizen ang paghalik ni Skusta sa pisngi ng girlfriend dahilan ng kilig na nadaramdaman ng kanilang fans.

Credit: @zeinab_harake Instagram

Ayon kay Zeinab ay naisipan niya umanong magkaroon ng photoshoot para sa anak dahil gusto niya na magsilbi ang magagandang larawan ni baby Bia bilang remembrance sa childhood days nito.

“Ganun kasi kami, lagi kaming pinipicturan ng hub@d-hub@d,” sabi ni Zeinab kung saan ay tinutukoy niya ang larawan niya noong baby pa siya.

Credit: @zebbiana_ Instagram

“Dapat ikaw, naka-gown ka. Hindi ka pipicturan ng hub@d-hub@d,” sabi ni Zeinab sa anak.

Sa huli ay nakatulog na rin si baby Bia habang kinukunan ng litrato. Sa ibinahaging larawan sa sariling Instagram account nito ay makikitang nakangiti si baby Bia habang natutulog.

Literal na sleeping beauty talaga si baby Bia sa ibinahaging litrato!

Maaalala rin noong nagbubuntis pa lamang si Zeinab kay baby Bia ay nagkaroon din siya ng maternity photosh0ot na may temang Disney Princess kung saan ay nakatanggap siya ng maraming papuri galing sa kapwa vloggers, celebrities, at fans.