Zeinab Harake at Skusta Lee, masayang ibinalita na magkakaroon na sila ng anak!

Nagkabalikan na ang controversial couple na sina Zeinab Harake at Skusta Lee o Daryl Ruiz sa totoong buhay.

Credit: @zeinab_harake Instagram   

Matatandaang noong 2019 ay kaliwa’t kanang isyu ang hinarap ng magkasintahan na nauwi sa kanilang paghihiwalayan.

Kamakailan nga ay ibinunyag nina Zeinab at Daryl na nitong July lamang ay nagkabalikan muli sila. Isang magandang balita rin ang ibinahagi nila sa kanilang mga tagahanga. Sa isang vlog ay ibinunyag ng Zeiryl na magkakaroon na sila ng anak.

Credit: @zeinab_harake Instagram

Oktubre umano nang malaman nila na magkakaroon na sila ng anak. Sa umpisa ng vlog ay sinabi muna ni Zeinab na wala na umano siyang iba pang mahihiling kundi ang pagtanggap at respeto ng kanyang mga tagahanga sa kanyang pagbubuntis.

Binigyang-diin din ni Zeinab na kilala bilang isa sa mga original YouTuber sa Pilipinas, na hindi isang pagkakamali kundi isang biyaya mula sa Diyos ang kanyang ipinagbubuntis.

“Hindi ‘to mistake. Hindi ‘to karma. Blessing ‘to galing kay God,” ani Zeinab.

Credit: @zeinab_harake Instagram

Inamin din ni Zeinab na makakahinga na siya nang maluwag dahil na ibahagi na umano niya sa kanyang mga tagahanga ang matagal na niyang hindi sinasabi sa mga ito.

Iginiit din ng Zeiryl na matagal na nilang naayos ang gusot at mga isyu sa pagitan nilang dalawa bago pa nila malaman na magkakaanak sila.

Ayon pa kay Zeinab, pinakamagandang regalo umano na natanggap niya sa kanyang kaarawan ang anak nila ni Daryl.

Credit: @zeinab_harake Instagram

Ani Zeinab, “Ito ‘yung pinakamagandang regalong natanggap ko ngayong birthday ko. Sa 22 years na nabubuhay ako, ngayon lang ako nakaramdam ng excitement. Nag-eenjoy ako. Sobrang saya ng puso ko, parang tumatalon ‘yung puso kapag naglo-look forward na ako agad sa mga mangyayari kasi at least ngayon magkakaroon na ako ng sarili kong family.”

Habang si Daryl naman ay inamin na simula nang malaman niya na buntis si Zeinab sa kanilang anak ay nagbago umano ang takbo ng kanyang buhay. Kwento ni Daryl, natutunan na umano niyang pahalagahan ang maliliit na bagay na kailangan niyang pahalagahan sa buhay.

Credit: @zeinab_harake Instagram

Dagdag pa ni Daryl, sisiguraduhin umano nila ni Zeinab na palagi nilang ipapaintindi sa kanilang anak sa maayos na paraan ang mga nangyari sa kanilang dalawa.

Aniya, “Sabi ko, kapag lumaki ‘yung baby namin palagi naming ipapaintindi sa kanya ‘yung mga nangyari sa aming dalawa in a good way. Para hindi siya masaktan.”

Samantala, nag-viral sa YouTube ang “Birthday Surprise Revelation” vlog ni Zeinab na sa kasalukuyan ay mayroon ng mahigit 8 million views.