Zeinab Harake, binigyan ang kanyang ina ng sasakyan bilang pasasalamat sa mga sakripisyo para sa kanila

Isang masaya at makabuluhang vlog ang ibinahagi ng sikat na vlogger na si Zeinab Harake sa kanyang Youtube channel. Ito ay ang pagdiriwang ng ika-54 na kaarawan ng kanyang ina.

Credit: Zeinab Harake YouTube

Sa unang bahagi ng video ay sinabi ni Zeinab na wala siya kung nasaan man siya ngayon kung hindi dahil sa kanyang ina. Ngayon lamang umano niya lubos naunawaan kung gaano kahirap magdala ng sanggol mula sa sinapupunan hanggang sa pagpapalaki dito.

“Mahirap pala talaga magdala ng bata sa tiyan hanggang sa paglaki kaya ngayon ko siya naappreciate ng sobra-sobra,” wika ni Zeinab.

Credit: Zeinab Harake YouTube

Ayon pa sa vlogger, pangarap niya noon na mapatayuan ng bahay ang kanyang ina at ito nga ay kanyang naisakatuparan noong siya ay 18 taong gulang pa lamang. Inamin niyang masayang-masaya na siya doon at sapat na makita lamang na hindi sila hikahos sa buhay.

Sa dami ng hindi inaasahang blessing na dumating sa kanya, sinabi ni Zeinab na hindi maaaring hindi kasama ang kanyang ina sa kanyang tagumpay.

Credit: Zeinab Harake YouTube

“Hindi pwedeng mawawala siya sa mga milestone na nakukuha ko dahil kundi dahil sa kanya, wala akong ganon o wala ako sa posisyon ko,” paliwanag ni Zeinab.

Credit: Zeinab Harake YouTube

Kaya naman ngayong kaarawan ng kanyang ina, isang sorpresa ang kanilang inihanda bilang appreciation para dito.

Credit: Zeinab Harake YouTube

“So ngayon Mama, kung mapapanood mo’to. ‘Eto na ‘yung bawi ko sa lahat-lahat ng paghihirap mo saken, samen magkakapatid,“ ani Zeinab.

“Etong gift ko sa kanya, hindi sa kanya nanggagaling ‘to pero madalas n’yang sinasabi sa ibang taong malalapit sa’men na gusto n’ya ng ganitong gift kasi kailangan n’ya and nasakit din ‘yung puso ko ‘pag nagsesend si Mama na nagjijip silang dalawa ni Lucas,” dagdag pa nito.

Credit: Zeinab Harake YouTube

Isang pick-up ang naisip bilhin ni Zeinab para sa kanyang ina dahil di umano’y mahilig itong bumili ng mga bagay na kailangang ikarga sa sasakyan. Kinuhanan n’ya din ito ng sariling driver dahil batid n’yang hindi marunong magmaneho ang kanyang ina at para na din may kasama ito sa tuwing umaalis.

https://youtu.be/n55G-8DECyI

Sobrang natuwa man ang kanyang ina ay nag-aatubili itong tanggapin ang kanyang regalo dahil mas iniisip nito ang kalagayan n’yang malapit nang manganak, subalit ipinaliwanag ni Zeinab na walang dapat ipag-alala ang kanyang ina dahil nakahanda na sila para sa kanyang panganganak at mahalaga sa kanyang maipakita ang kanyang appreciation at pasasalamat para dito.