Masayang ibinahagi ng sikat na vlogger na si Zeinab Harake sa kanyang YouTube channel ang kanilang bonding at playtime ng anak na si Lucas.
Credit: Zeinab Harake YouTube
Si Lucas ay ligal na inampon ni Zeinab at makikita sa birth certificate nito na siya ang nakatala bilang ina nito, subalit dahil sa pagiging abala ng vlogger, kinailangan n’yang iwan ito sa poder ng kanyang ina sa Cavite kaya naman masayang-masaya ang vlogger na muling nakapiling ang kanyang pinakamamahal na anak.
Matatandaang sa isang interview sa kanya ni Toni Gonzaga noong Disyembre ng 2020, bukod sa pag-amin na siya ay nagdadalang-tao sa kanyang baby girl na si “Bia,” naikwento rin niya ang tungkol sa kanyang adopted son na si Lucas.
Credit: Zeinab Harake YouTube
Mahal ni Zeinab ang bata na parang sarili n’yang dugo at laman at sinisigurado nito na palagi itong masaya at nasa maayos na kalagayan.
Kaya naman walang sinayang na sandali ang vlogger nang ipahiram ito sa kanya ng kanyang ina.
“Super namiss ko din ‘to, mabuti pinahiram siya saken ni mama so dito muna siya sa’ken,” ani Zeinab.
Naglaro sila ng guessing game upang makabonding si Lucas. Proud na proud naman si Zeinab dahil ayon dito, lumalaking matalino at inglesero ang kanyang anak at hindi naman siya nagkamali dahil matagumpay na sinagot at pinangalanan pa sa wikang Ingles ang lahat ng mga pictures na ipinakita ng kanyang mommy Zeinab kaya naman nakakuha siya ng mga premyo.
Credit: Zeinab Harake YouTube
Una n’yang nakuha ang isang toy car at sa ikalawang premyo naman ay nakatanggap siya ng ‘Ryan’s mystery egg’ na naglalaman ng iba’t ibang ‘mystery toys’ na paborito umano ni Lucas.
Bago matapos ang video, sinabi ni Zeinab na sinasanay niya ang kanyang anak na bago makuha ang gusto nito ay dapat munang may gawin ito.
Credit: Zeinab Harake YouTube
“Pag magpapalaki ako ng bata gusto ko makukuha nila ‘yung gusto nila but pinaghihirapan muna nila bago nila makuha para hindi sila mamihasa o ma-spoiled ng sobra.”
Ayon pa kay Zeinab hindi lamang para sa kanyang anak kundi maging sa ibang magulang o batang nanonood.