Zeinab Harake, inanunsyo sa publiko ang launch ng kanyang produktong lip tint!

Muling pina-excite ni Zeinab Harake ang kanyang fans at supporters nang inanunsyo niya sa publiko na magkakaroon na siya ng sariling product.

Credit: @zeinab_harake Instagram

Matagal ng hiling ng fans ni Zeinab na magkaroon na siya ng sariling product. Sa kagustuhang mas mapa-boost pa ang confidence ng netizens, nagkaroon ng ideya ang Pinay vlogger at kumakailan nga nang inanunsyo niyang malapit ng i-launch sa market ang kanyang produktong lip tint.

Sa tulong ng kapatid ni Zeinab na si Rana Harake, naging posible ang sariling produkto ng Pinay vlogger. Ka-collaborate ang kompanya ni Rana na Rabbies Cosmetics, excited ngayon ang magkapatid sa launching ng “Rabbies x Zebbies Liptint”.

Sabado, October 9 nang ipinasilip ni Zeinab ang “behind the scenes” sa ginawang photoshoot nila para sa endorsement ng “Rabbies x Zebbies Liptint”.

Credit: @zeinab_harake Instagram

“Ito ‘yung ni-request ko ni Rana na color kasi kung para sa’kin, kung ide-describe ako sa color ng lipstick, ganito siya. Hindi siya red na red. Hindi siya pink na pink, parang sobrang natural lang niya tingnan,” paglalarawan ni Zeinab sa magiging kulay ng kanyang ila-launch na lip tint.

Kuwento ni Zeinab, sobrang espesyal umano ng ila-launch niyang liptint dahil “collaboration” umano nila ito ng kapatid na si Rana.

“Pero sabi ko, gusto kong i-vlog kasi gusto kong maubos kaagad ‘yung tint. Hindi, hangga’t maari lang kasi sa ilang milyong Zebbies na meron ako, parang feeling ko, ito lang ‘yung… ano kasi namin ‘to eh, collaboration namin ni Rana, Rabbies x Zebbies,” pahayag ni Zeinab.

Ayon sa Pinay vlogger, mabibili na umano ang limited nilang stocks ng “Rabbies x Zebbies Liptint” sa Shoppee ngayong 10.10 sale kaya inaasahang mag-uunahan talaga sa pag-purchase ang kanyang fans.

Credit: @zeinab_harake Instagram

“Punta kayo sa Shoppee ngayong 10.10, lalabas na ‘yung tint ko and konti lang ‘yan. Sobrang konti lang ‘yan so ibig sabihin, limited edition. Paunahan po,” ayon kay Zeinab.

Sanay na sa pagpo-pose sa harap ng kamera, hindi naging mahirap para kay Zeinab ang pagiging model sa sariling produkto. Todo suporta naman ang Pinay vlogger nang oras na para kay Rana Harake na kuhanan ng mga magagandang litrato para sa endorsement ng kanilang brand.

Marami naman ang nakapansin sa closeness ng magkapatid na sina Zeinab at Rana dahilan kung bakit inulan ng papuri ang comment section ng mismong vlog ni Zeinab sa YouTube.

“HARAKE SISTERS IS ON FIRE! 🔥❤️‍🔥”

“the way they compliment each other is just so touching, maturity is real between them💜”

“Ganda ng relationship nilang magkapatid. Yung kino-compliment nila yung isa’t isa.”