Zeinab Harake, na-stress sa ipinakitang ugali ni Ivana Alawi sa sho0t ng kanilang first-ever collab vlog!

Sa kauna-unahang pagkakataon, magsasama sa isang vlog ang dalawang YouTube stars na sina Ivana Alawi at Zeinab Harake. Ngunit ang sana’y puno ng good vibes na vlog nila ay napuno ng tensyon nang lumabas ang pagiging ‘attitude’ ni Ivana.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Muntik nang maiyak si Zeinab dahil sa pagtataray ni Ivana habang ginagawa nila ang kanilang first-ever collaboration vlog at ang hindi alam ni Zeinab ay pina-prank lamang siya ni Ivana.

Sa simula pa lang, sinabihan na si Zeinab ng talent manager ni Ivana na ‘bad mood’ ang kanyang alaga. Gayunpaman, idinaan lamang sa biro ni Zeinab ang tila warning na ito ng manager ni Ivana.

Kaya lamang nang dumating na si Ivana sa location ng kanilang shoot, dito na nasaksihan ni Zeinab ang pagiging ‘attitude’ ni Ivana matapos nitong pagtarayan ang kanyang stylist habang namimili siya ng susuoting damit.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Pero umpisa pa lamang ito ng pagtataray ni Ivana dahil sunod naman niyang tinarayan ang kanyang hair stylist dahil lamang gusto niyang magkaiba sila ng hair style ni Zeinab.

Lumabas din ang pagiging ma-‘attitude’ ni Ivana nang pinagalitan niya ang kanyang staffs dahil sa mga inihandang tanong ng mga ito para sa Q & A session nila ni Zeinab.

Habang nai-stress naman si Ivana ay panay lamang ang sabi ni Zeinab na huwag na umano itong ma-stress at kumalma lang. Sinigurado rin ni Zeinab na ayos lamang siya at huwag ma-pressure ang mga staff ni Ivana.

Mas lalo namang uminit ang ulo ni Ivana dahil sa hindi umano masarap ang pagkaing inihain sa kanila ng restaurant. Nakatikim din ng pagtataray ni Ivana ang baguhang waiter ng restaurant dahil wala itong ma-suggest sa kanila na papasang Arabic Food.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Kakain dapat kasi sila ni Zeinab ng Arabic Food habang nagkwe-kwentuhan ngunit hindi nga pumasa kay Ivana ang pagkaing inihain sa kanila. Hanggang sa nagpasya si Ivana na itigil muna ang kanilang shoot.

Dahil kapansin-pansin na ang pagiging wala sa mood ni Ivana, dito na iminungkahi ni Zeinab na mag-iba na lamang sila ng content.

Samantala, dahil sa nangyari, tinanong ni Ivana si Zeinab kung maaari nilang i-reschedule ang shooting ng kanilang vlog.

“Mag-resched tayo kasi parang hindi kami comfortable sa isa’t isa. Ayaw ni Zeinab na mag-video din. Nahihiya siya sa mga questions,” saad ni Ivana.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Dito na prinangka ni Zeinab si Ivana na siya ang may problema.
Paliwanag ni Zeinab, “Kasi te…Nagkakaron ng like may questions akong ibibigay sa ‘yo, ang nangyayari may nagiging error. So ikaw, nagbo-blow up.”

Hindi naman inaasahan ni Zeinab ang sunod na sinabi ni Ivana.

Ani Ivana, “Parang may gusto kasi akong sabihin. It’s a praaank!”

Nagulantang nga si Zeinab at napamura na lamang dahil sa panggo-good time ni Ivana.

Aminado naman si Ivana sa bandang huli na hanga siya sa kabaitan at mahabang pasensya na ipinamalas ni Zeinab.