Zeinab Harake, nangakong hindi na magiging marupok pagdating sa pag-ibig

Sino ba ang nagsasabi na tanging sa New Year lamang tayo maaaring magkaroon ng resolution? Walang araw sa ating buhay na hindi tayo nakakagawa ng isang desisyon.

Credit: @zeinab_harake Instagram

Marahil ay iilan sa mga ito ay nagkaroon ng masak!t na resulta at nagdulot sa atin ng sakit kaya hindi natin kailangang maghintay pa ng bagong taon upang mangako sa sarili at sa iba dahil pwedeng-pwede natin itong gawin kahit kailan man natin gusto.

Ano nga ba ang layunin natin sa tuwing nagkakaroon ng resolution sa bawat pagsapit ng bagong taon? Ito ay upang mapabuti ang ating sarili, iwan ang t0xic at hindi kaaya-ayang mga gawain ngunit kailangan pa ba nating maghintay ng New Year? Dahil para kay Zeinab Harake, nangako siya sa publiko na mangingibabaw ngayong taong 2022 ang better na version ng kanyang sarili at determinadong maisakatuparan ito.

Hindi naman sikreto sa publiko ang hiwalayang Zeinab Harake at Skusta Clee. Kahit na’y noong mag-on pa ang dalawa, talagang marami silang problemang pinagdaanan hanggang dumating na talaga sa puntong naubos na siya at hindi na kayang isalba pa ni Zainab ang kanilang relationship.

Credit: @zeinab_harake Instagram

Kahit na’y naging unstable ang kanyang ment@l health dahil sa mga kontrobersyal na issue, hindi kailanman sinukuan ni Zeinab ang kanyang sarili lalo na para sa kapakanan ng kanyang anak na si baby Bia at ngayon, dahan-dahan na umaahon at binabalik ang dating sigla.

Bilang parte sa kanyang self-love, tinanggap ni Zeinab ang offer ng organizer sa Aurora Fest, isang music festival kung saan ay all out siyang nag-perform at matagumpay na napasaya ang lahat ng taong dumalo sa nasabing event.

Maliban sa paghangang naramdaman ng madla sa kanyang naging performance, mas naging memorable ang Day 2 ng Aurora Fest dahil sa pangako ni Zeinab sa sarili at sa kanyang fans na kung tawagin niyang “Zebbies” kung saan ay sinabi niyang iiwas na umano siya sa karupukan.

Credit: @zeinab_harake Instagram

“Ginagawa ko ‘to hindi dahil sa pera or what. Masaya akong ginagawa ito kasi ito talaga ako and gusto kong maibalik ‘yung dating ako na napapasaya kayo palagi,” pahayag niya.

Maliban dito, malaki rin ang pasasalamat niya sa Zebbies dahil sa walang-sawang suporta na ibinibigay nila para sa kanilang mag-ina.

“Lalaban para sa anak. Hinding-hindi na magiging marupok,” pangako niya.

“Zeinab Harake 2022 hindi na marupok, hindi pa pokp0k.”

Credit: @zeinab_harake Instagram

Dahil sa pleasant na character at attitude ni Zeinab Harake, talagang marami ang bumibilib at patuloy na sumusuporta sa kanya. No to karupukan ngayong 2022, cheers!