Zeus Collins, ibinahagi kung paano niya sinimulan ang pagnenegosyo sa 50k lamang niyang puhunan!

Sa panahon ngayon, hindi na talaga basta-basta ang pagtatayo ng negosyo lalo na para sa mga taong bago lamang sa field ng business pero kapag may sapat na determinasyon ay wala talagang imposible katulad na lamang ni Zeus Collins na hindi na lamang isang aktor at dancer kundi ay businessman na rin!

Credit: @hashtag_zeuscollins Instagram

Lahat ng celebrities na iniidolo natin ngayon ay may sarili ring kuwento bago pinasok ang showbiz. Kung iilan sa kanila ay may malalaking pangarap para sa sarili, aminado naman ang Hashtag member na si Zeus Collins na simple lamang ang gusto niya noon sa buhay at ito ay ang maging back-up na dancer ng mga sikat na artista pero sa kanyang kahusayan sa pagsayaw ay tila’y nakadestino talaga siyang magkaroon ng sarili niyang spotlight kaya ngayon, hindi lamang siya kilala ng karamihan bilang dancer kundi ay pati na rin sa pagiging isang aktor, singer, at model.

Sa pagpasok ni Zeus sa mundo ng showbiz, sobrang dedicated talaga siya sa pagpapatuloy sa pagbuo sa maganda niyang career kaya para sa taong tulad niya na umiikot ang buhay sa pagiging isang celebrity, labis talaga siyang naapektuhan sa pagdating ng p@ndemya plus ang pagkakasara pa ng ABS-CBN. Dahil nito, dumalang talaga ang natatanggap niyang projects kaya ramdam na ramdam niya ang hirap lalo na’t siya umano ang sumusuporta financially sa kanyang pamilya. Sa sitwasyon niyang ito, dumating nga sa punto na 50,000 na lamang ang natira sa kanyang savings.

Credit: @hashtag_zeuscollins Instagram

Sa natitira niyang pera ay nakasasalay ang magiging kinabukasan niya at ng kanyang pamilya kaya nag-isip umano si Zeus ng paraan na nasolusyunan naman ng kanyang fiancée na si Pauline Redondo.

“Parang mga fifty thousand na lang. Siyempre mayroon tayong pamilya, nandiyan ‘yung mama ko, mga kapatid ko na umaasa sa akin,” saad ni Zeus sa exclusive na interview ng PEP.ph sa year-end party ng Hey Pretty Skin nito lamang December 2022.

Dagdag pa niya, “Sabi ko ‘di ito pwede maubos ng ganito lang. Kailangang makaisip ng paraan kasi walang show hanggang ‘yung girlfriend ko, ‘Mag-business na lang tayo.’ Sabi ko, ‘Anong business? Wala akong alam sa business.’ Nag-suggest siya kaya ayun, nagtuloy-tuloy.”

Credit: @hashtag_zeuscollins Instagram

Kung tutuusin, sobrang liit lamang ng 50k pero nagawa naman ng couple na mag-umpisa ng negosyo at ito nga ay ang kanilang “Ta Ramen Ta”. Sa sucess nito, nagbukas sila ng panibagong food business na Le “Katsu MNL” na patok ngayon sa karamihan.

Sa ngayon, kasalukuyan ng may 43 branches ang kanilang business at open na rin para franchise!

Credit: @hashtag_zeuscollins Instagram

Nagsimula man sa 50k, doble at triple naman ang balik nito salamat sa dedikasyon ng couple.