Zia Dantes masayang nagdiwang ng kanyang ika-5 taong kaarawan; hiling sa kanyang kaarawan ang paggaling ng mundo

Marami ang naantig sa birthday wish ng napakagandang anak nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na si Maria Letizia o Zia para sa kanyang ika-5 kaarawan. Ngayong araw, November 23, ay masayang ipinagdiriwang ni Zia ang kanyang ika-5 kaarawan.

Credit: @marianrivera Instagram      

Sa taong ito ay isang Cocomelon-themed birthday party ang inihanda nina Marian at Dingdong para sa kaarawan ng kanilang panganay na anak.

Credit: @marianrivera Instagram

Sa kanyang Instagram page ay nag-post ang Kapuso “Primetime Queen” ng ilang letrato ni Zia kuha mula sa masaya at makulay na birthday celebration nito. Makikita sa mga larawan na napakasaya ni Zia sa inihandang birthday party ng kanyang mga magulang.

Credit: @marianrivera Instagram

Sa caption nga ng birthday greeting post ni Marian, ikwenento niya na labis siyang naantig nang sabihin ni Zia ang kanyang hiling para sa kanyang kaarawan.

Credit: @marianrivera Instagram

Ikwenento ni Marian na ang hiling umano ni Zia para sa kanyang kaarawan ay maging ligtas ang kanyang pamilya at mga kaibigan at lahat ng mga taong kanyang kakilala. Bukod dito, hiling din ni Zia na gumaling na ang mundo.

Credit: Dingdong Dantes Instagram

Tila may kamalayan na si Zia sa kanyang murang edad sa mga bagay na nangyayari sa mundo sa kasalukuyan at hiling nga niya ay maging maayos na ang lahat.

Sulat ni Marian sa kanyang caption, “Happy birthday Ate Z! I was so touched when she told me this morning that her wish is to keep her family, friends and everyone she knows safe and for the World to be healed. 🙏🏻 awww 😭”

Credit: Dingdong Dantes Instagram

Dagdag ni Marian, “Thank you for being such a thoughtful daughter, mama is always here to protect and support you all the way… Happy Birthday Anak! 🥳❤️ Mahal na mahal ka namin. #HappyBirthdayAteZia 🖐🏻”

Credit: Dingdong Dantes Instagram

May isang sorpresa rin sina Marian at Dingdong para kay Zia. Iyon ay ang isang video na naglalaman ng mga birthday greeting ng mga hinahangaang personalidad ni Zia.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes)

Sa Instagram post ni Dingdong, ay ibinahagi niya ang ilang larawan ni Zia na kilig na kilig sa mga birthday greeting ng kanyang mga iniidolo. Kabilang nga rito si Popstar Princess Sarah Geronimo. Bumati rin kay Zia ang sikat na magkakapatid na Ranz, Niana at Natalia.

Credit: Dingdong Dantes Instagram

Kwento ni Dingdong sa caption, “The progression of her kilig when we made her watch the birthday greetings of her most admired media personalities. #SarahG #RanzNianaAndNatalia #KayceeAndRachel”