Pagdating sa pag-arte, isa ang Kapuso actor na si Zoren Legaspi sa mga hinahangaan ng marami. Dating matinee idol si Zoren at noong dekada 90 ay napabilang siya sa sikat na variety show na That’s Entertainment.
Credit: GMANetwork YouTube
Magpahanggang ngayon naman ay napanatili ni Zoren ang kanyang kasikatan at maging ang kanyang kagwapuhan.
Maliban naman sa pag-arte, ay pinasok na rin ni Zoren ang pagho-host at pagdidirek. At kamakailan lamang din ay ibinahagi ni Zoren na miyembro rin siya ng HPG o Highway Patrol Group na siyang nagpapatupad ng batas-trapiko at tumutulong upang mapanatili ang kaayusan sa kalsada.
Credit: GMANetwork YouTube
Noong March 20, sa episode ng “Sarap, Di Ba?” ay ipinakita ni Zoren ang kanyang galing sa pagmomotor matapos niyang in-escortan ang kanyang pamilya papunta sa kanilang resthouse sa Batangas.
Bahagi nga ng tungkulin ni Zoren bilang isang HPG na siguraduhin na ligtas ang mga motorista sa kalsada at kung may aks!dente sa daan ay kaagad na rumesponde.
Credit: GMANetwork YouTube
Ipinagmalaki naman ni Zoren ang kanyang suot na uniporme ng HPG na aniya ay pinagsikapan niyang masuot.
Ayon kay Zoren, hindi naging madali ang pagpasok niya sa HPG dahil iilan lamang ang mga tulad niyang civilian na nabibigyan ng pagkakataon na makapasok sa kanilang hanay.
Credit: GMANetwork YouTube
Kaya naman gustong sabihin ni Zoren sa mga nag-aakalang peke ang kanyang suot na uniporme na pinaghirapan niyang masuot ito.
Aniya, “Akala nila peke ito. Pinaghirapan ko ito, hon.”
Credit: GMANetwork YouTube
Dagdag niya, “‘Yung mga civilian, hindi basta-basta nakaka-penetrate doon, so mga selected civilian lang ‘yung maaari. Ako ang isa sa mga lucky civilian na napasama sa grupo kaya pinaghirapan ko ito.”
Ikwenento rin ng asawa ni Zoren na si Carmina Villaroel na sumabak sa eksaktong training ang kanyang mister para maging miyembro ng HPG.”
Credit: GMANetwork YouTube
“Si tatay po ay… nag-training ka for HPG,” paglilinaw ni Carmina.
Dagdag ni Carmina, “Congratulations to him dahil talagang like he said, pinaghirapan talaga na niya ‘yan.”
Samantala, sinulit naman ng pamilyang Legaspi ang kanilang “quick getaway” sa Batangas lalo na’t sasabak muli sa panibagong lock-in taping ang isa sa kanilang kambal na anak na si Cassy.
Credit: GMANetwork YouTube
Sa kasalukuyan, ay nagti-taping si Cassy para sa kanyang unang drama serye na “First Yaya”. Nagbonding nga sina Zoren, Carmina, Cassy at ang kanyang kakambal na si Mavy sa Batangas.
Credit: GMANetwork YouTube
Isa lamang sa ginawa nila habang nasa kanilang resthouse ay maglaro ng “Totropahin o Jojowain” challeng Sarap Di Ba? edition.