Zsa Zsa Padilla, abot-langit ang saya matapos maka-bonding muli ang kanyang mga anak na sina Karylle, Coco at Zia!

Ngayong panahon ng p@ndemya ay hindi madalas nakakasama ng aktres at singer na si Zsa Zsa Padilla ang kanyang mga anak na sina Karylle, Coco at Zia dahil nga may kanya-kanya nang bahay ang mga ito.

Credit: Zsa Zsa Padilla YouTube

Kaya naman nang magkaroon si Zsa Zsa ng pagkakataon na makasama at maka-bonding ang kanyang mga anak sa kanyang napakalawak at napakagandang farm sa probinsya ng Lucban, Quezon ay abot-langit ang kanyang kasiyahan.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na isa na rin ngayong vlogger si Zsa Zsa at most-requested ng kanyang mga subscriber ay mapanood ang kanyang mga anak sa kanyang vlog.

Pinaunlakan naman ito ni Zsa Zsa at idinokumento nga niya ang masayang reunion nila ng kanyang mga anak sa kanyang farm sa Lucban na Casa Esperanza.

Credit: Zsa Zsa Padilla YouTube

Sa isa na namang “Buhay ProbinZSA” episode, mapapanood ang masayang bonding moment ni Zsa Zsa at Zia.

Ayon kay Zsa Zsa, mahilig sa mga hayop si Zia kaya naman isa sa kanilang mga ginawa ay tingnan at bisitahin ang mga alagang hayop nila sa Casa Esperanza.

Talaga namang enjoy na enjoy si Zia habang nakikihalubilo sa mga hayop sa farm ng kanyang Mommy Zsa Zsa.

Credit: Zsa Zsa Padilla YouTube

Sinubukan din ni Zia na manghuli ng tilapia mula sa kanilang malawak na fish pond. Naging matagumpay naman ang kanyang pamimingwit at nakakuha siya ng tilapia.

Siyempre, hindi mawawala sa buhay pronbinsya vlog ni Zsa Zsa ang pagluluto niya na mas naging masaya at espesyal naman dahil kasama niya si Zia. Ipinagmamalaki ni Zsa Zsa sa kanyang anak ang mga natutunan niyang masasarap na Tilapia recipes sa Quezon tulad na lamang ng “Kinunot” at “Sinugno”.

Credit: Zsa Zsa Padilla YouTube

Ipinagluto rin ni Zsa Zsa si Zia ng isang espesyal na empanada na natutunan umano niya sa Ilocos. Masarap naman nilang pinagsaluhan ang kanilang mga niluto na pinaresan pa nila ng isang dessert na gawa naman sa buko at saging.

Credit: Zsa Zsa Padilla YouTube

Pagkatapos ng kanilang cooking session ay bigla namang sumulpot si Karylle sa vlog suot ang kanyang summer outfit.

Nakakatuwa ngang tingnan ang puno ng saya at “chikahan” na reunion ng mag-iina habang umiinom ng kanilang smoothie sa pool area. Sa huli, sumabak sila sa isang photo shoot na talagang sinulit at in-enjoy nila.

Credit: Zsa Zsa Padilla YouTube

Samantala, sa description ng vlog ay sinabi ni Zsa Zsa na hangad niyang magsilbing inspirasyon sa lahat ang pagsasama muli nila ng kanyang mga anak para planuhin din nila na makasama ang kanilang mga mahal sa buhay.

“I don’t often get to bond with my three daughters namely Karylle, Coco and Zia since the p@ndemic started…Such a precious moment to all be together! I’m sure that you’re all missing get-togethers with your own families and I hope this inspires you to plan a holiday together with your loved ones!” ani Zsa Zsa.