10-anyos na batang nag-aararo na si Reymark Mariano, natupad na ang hiling na makapiling muli ang kanyang ama

Unang naitampok ang kwento ng 10-anyos na batang si Reymark Mariano noong May 23 sa programang “Kapuso Mo, Jessica Soho”.

Credit: Kapuso Mo, Jessica Soho on GMA Public Affairs YouTube

At mula nga nang mapanood ng marami ang kanyang kwento ay dumagsa ang tulong para sa kanya at sa kanyang pamilya.

Credit: Kapuso Mo, Jessica Soho on GMA Public Affairs YouTube

Ilan lamang sa mga tulong na natanggap ni Reymark mula sa iba’t ibang tao ay mga grocery item, alagang hay0p, school supply at tulong pinansyal.

Ngunit sa kabila ng kasiyahang nararamdaman ni Reymark dahil sa mga tulong na kanyang natanggap, tila may kulang pa rin sa kanyang buhay at ito nga ay ang kanyang ama na matagal na niyang hindi nakikita.

Credit: Kapuso Mo, Jessica Soho on GMA Public Affairs YouTube

Matatandaang noong unang napanood si Reymark sa programa ay mangiyak-ngiyak niyang ibinahagi na nangungulila siya sa kanyang ama.

May kinakaharap na kaso na il!gal na pangangalaga ng bar!l ang ama ni Reymark kaya naman hindi nila ito kasama.

Credit: Kapuso Mo, Jessica Soho on GMA Public Affairs YouTube

Ayon din kay Reymark, nagawa lamang niyang mag-araro dahil sa kanyang ama para makatulong sa kanyang lolo’t lola.

May dalawa pang kapatid si Reymark at tulad niya ay nangungulila rin ang mga ito sa kanilang ama.
Samantala, sa panibagong update ng programa sa kwento ni Reymark nito lamang June 6, mapapanood na natupad na ang isa sa mga hiling ni Reymark at ito ay makapiling muli ang kanyang amang si Rene Boy.

Credit: Kapuso Mo, Jessica Soho on GMA Public Affairs YouTube

Nakapanayam ng programa si Rene at sinabi nitong ang pagiging viral ni Reymark ang naging daan para sumuk0 siya sa mga awt0ridad at harapin ang kanyang kas0.

Kwento ni Rene, labis na nadur0g ang kanyang puso nang mapanood ang paghihirap ng anak sa pag-aararo sa bukid.

Aniya, “Nas@ktan talaga ako noong nakita ko siya na nag-aararo.”

Credit: Kapuso Mo, Jessica Soho on GMA Public Affairs YouTube

Dagdag pa ni Rene, hindi niya gustong magtrabaho si Reymark.

“Ayaw ko naman talaga na magkaganyan siya, napabayaan ko sila…Sana mapatawad niya ako,” lahad ni Rene Boy.

At dahil ang kinakaharap na kaso ni Rene ay maaaring piyansahan kaya pansamantala siyang makakalaya habang gumugulong ang kanyang kas0 sa k0rte.

Credit: Kapuso Mo, Jessica Soho on GMA Public Affairs YouTube

Sa paglaya nga ni Rene ay kaagad niyang pinuntahan si Reymark at ang iba pa niyang anak.
Sa muli namang pagkikita nilang mag-aama ay bumuhos ang napakaraming emosyon.

Hindi maiwasang mapahagulgol sa saya ni Reymark matapos masilayan ang kanyang ama. Kitang-kita rin sa mahigpit na pagyakap at pakiusap ni Reymark na hindi na sila nito iwan ang kanyang labis na pangungulila sa ama.

Tila nakumpleto na nga ni Reymark ang kanyang hiling sa muling pagkikita nila ng kanyang ama.

Credit: Kapuso Mo, Jessica Soho on GMA Public Affairs YouTube

Ani Reymark, “Masaya ako dahil nandito siya. Salamat umuwi na siya dito.”

Matatandaang hiwalay na si Rene sa ina ni Reymark. Kaya sa kanyang paglaya ay dadaan muli sila sa isang proseso para malaman kung sino ang karapat-dapat na mangalaga sa kanilang tatlong anak, kabilang dito si Reymark.