15 anyos na babae, kumikita na ng libo-libo ngayon at nakapagpatayo na ng sariling bahay!

Mahirap talaga kumita ng pera dahil kinakailangan itong pagpaguran ng matindi pero sa panahon ngayon, paano nga ba makakakita ng pera sa smart at wais na paraan?

Credit: GMA Public Affairs YouTube

Makabago at patuloy nang nagbabago ang mundo dahil sa emergence ng advanced na mga teknolohiya kaya para makasabay sa lahat ng mga pagbabago, kinakailangan talaga natin na mabilis mag-adapt para hindi mapag-iwanan katulad na lamang ng isang 15 anyos na babae na si Love Marie Pugal na kasalukuyan ngayong kumikita ng daan-daang libo sa YouTube!

Bata o matanda man, kayang-kaya talaga na makipagsabayan. Tunay nga na hindi batayan ang edad kapag pera at kabuhayan na ang pinag-uusapan dahil kapag marunong dumiskarte ay tiyak na aangat talaga sa buhay.

Sa interview ng “Unang Hirit,” naibahagi ni Love Marie na noong p@ndemic pa umano siya nagsimula sa paggawa at pag-eedit ng mga animated na characters sa isang app at ginagawan niya ng cute at adorable na videos na talaga namang patok na patok sa lahat ng viewers.

“Nagsimula po akong mag-video o gumawa ng Youtube channel dahil sa parents ko. Nagsimula po ako ‘nung p@ndemic. Nalaman ko po na pwede palang kumita around 2020 po,” pahayag ni Love Marie.

Credit: GMA Public Affairs YouTube

Dahil sa kanyang adorable na videos kung saan ay pinapagalaw niya ang kanyang avatar at characters, marami talaga ang naaliw at nag-suscribe sa kanyang Youtube channel. Sa katunayan, umabot na ng 182,000 ang mga taong sumusubaybay sa kanyang bawat update at marami na rin siyang videos na umaabot na ng milyon-milyong views!

Sa achievement na ito ni Love Marie, sobrang proud talaga ang kanyang parents sa kanya dahil sa napakamurang edad, kumikita na siya ng libo-libong pera, nakakatulong sa kanyang pamilya at kumakailan nga ay nakapagpatayo na rin ng bahay na nagkakahalaga lang naman ng 1.2 milyon na labis na kinabiliban ng “Unang Hirit” hosts.

Credit: GMA Public Affairs YouTube

“Wow! Grabe naman ‘yan. Parang naalala ko ‘nung 15 ako… parang mga second year or third year highschool pa lang ako ‘nun, gumagawa lang ako ng assignment pero siya? Nakapagpatayo ng sariling bahay. Aba wow,” namamanghang sabi ni Shaira Diaz.

Of course, kung tayo’y magbabalik-tanaw noong mga panahong tayo’y 15 anyos pa lamang, tanging assignment o laro lamang talaga ang ating pinagkakaabahalan at ang matuklasan na may isa palang 15 taong gulang na babaeng kumikita na ng pera sa Youtube ay nakakamangha talagang tunay.

Hindi talaga madali paniwalaan na sa edad na 15 ay kumikita na si Love Marie ng malaking halaga ng pera, nakakatulong na sa kanyang pamilya, at mayroon na ring sariling bahay at lupa pero maniwala ka man o sa hindi, pinatunayan lang naman niyang walang imposible para sa isang batang dreamer at madiskarte sa buhay.