73-anyos na si Lolo Pops na nakilala sa pagbebenta ng lollipops, nakapagpatayo na ng sariling bahay!

Isang 73-anyos na Lolo ang kinabibiliban ngayon ng maraming netizens matapos itong makapagpatayo ng kanyang sariling bahay dahil sa pag-oonline selling.

Credit: Yannie Yhan Facebook

Siya si Lolo Angelito Gino-Gino o mas kilala ng marami bilang “Lolo Pops.” Lingid sa kaalaman ng lahat, isa lamang si Lolo Pops sa mga street vendor na naapektuhan ng [email protected] Dating naglalako si Lolo Pops ng mga lollipops sa daan at sa harap ng ilang unibersidad sa Angeles, Pampanga. Ngunit dahil [email protected] ay kinailangan niyang tumigil sa paglalako.

Nag-viral naman noong nakaraang taon si Lolo Pops matapos gumawa ang isa niyang kostumer ng online store para sa kanyang mga itinitindang pagkain.

At makalipas nga ang isang taon, labis na lumago ang online store ni Lolo Pops kung saan bukod sa lollipops ay mabibili rin dito ang mga inaangkat niyang pastillas, polvoron, special bagoong at chili garlic bagoong. Kaya naman nakapagpatayo si Lolo Pops ng kanyang sariling bahay. Noon kasi ay nakatira lamang si Lolo Pops sa isang bahay na gawa lamang sa pinagtagpi-tagping yero at kahoy.

Credit: Yannie Yhan Facebook

Samantala, isang netizen naman na nagngangalang Yannie Yhan ang nagpahayag ng kanyang pagkamangha sa isang Facebook post. Sa kanyang post, ibinahagi ng netizen ang ilang larawan ng online store ni Lolo Pops kung saan makikita na mula sa 1 follower noong nakaraang taon, halos 23K na ang followers ngayon ng tindahan ni Lolo Pops.

Ibinahagi rin ng nasabing netizen ang ilang before and after photos ng bahay ni Lolo Pops. Makikitang noong April 2021 ay tanging semento pa lamang ang naipapatayo ni Lolo Pops.

Credit: Yannie Yhan Facebook

Sa sumunod naman na larawan kuha nitong Nobyembre lamang, makikitang ang bahay ni Lolo Pops ay may grills, bintana at pinto na. Dagdag pa rito, ibinahagi ni Yannie na sementado na rin umano ang loob ng bahay ni Lolo Pops at pati ang labas ng bahay nito ay napinturahan na rin.

Credit: Yannie Yhan Facebook

Hinikayat naman ni Yannie ang maraming netizens na suportahan pa ang online store ni Lolo Pops.

Aniya, “Ang bilis, 1 year na pala yun?! Happy Anniversary sa online store ni Lolo Pops!”

“After 1 year, 22.8k na followers ni Lolo so Online store niya! Yay! Pero syempre not everyday mabenta. Hindi ko din keri regular ako magpost ng paninda niya kasi may business din ako at full time mom ako 🥺. Kaya I’m asking everyone na sana #SupportLoloPops…” dagdag niya.

Credit: Yannie Yhan Facebook

Talaga namang walang imposible sa mga taong nagsisikap at pinatunayan nga ito ni Lolo Pops!