9 taong gulang na Bicolano, pride ngayon ng Pilipinas sa larangan ng chess dahil sa pagkapanalo nito sa tournament sa Thailand!

Wala naman talagang nag-uumpisa sa isang bagay o larangan na magaling agad dahil upang ma-realize ang ating buong potential, kinakailangan munang ihasa ng matindi ang ating kakayahan sa pamamagitan ng constant na practice kung kaya’t bawat panalo at talo na ating nararanasan ay nagsisilbing motivation upang mas mapabuti pa ang sarili.

Credit: Benrose Operiano Facebook

Sa simpleng interes, sino nga ba ang mag-aakala na ang isang batang Bicolano na si Bince Rafael Operiano ay mag-uuwi ng napakalaking karangalan sa Pinas at kikilalaning “chess prodigy” sa edad na 9?

Sa napakaraming isyu na madalas na napapabalita ngayon sa TV, isa talagang malaking relief para sa sambayanang Pilipino ang pagkapanalo ni Bince sa isang international na chess tournament na ginanap kumakailan lamang sa Bangkok, Thailand dahil maliban sa kanyang gintong medalya, inuwi rin niya ang tatlo pa niyang medalya na talaga namang nagdulot ng matinding kasiyahan sa lahat lalong-lalo na sa kanyang pamilya at team.

Ayon sa kuwentong ibinahagi ng ama ni Bince na si Ben, una umanong nagkainteres ang anak noong ito’y 5 taong gulang pa lamang nang nag-uwi siya ng chessboard isang araw. Kung noong una ay libangan lamang nilang mag-ama ang paglalaro ng chess, nadiskubre naman ng ina ng Filipina chess grandmaster na si Janelle Mae ang abilidad ng chikiting at tinulungan nga sila nitong makatanggap ng professional na coaching hanggang nagsimula nga si Bince sa pagsali sa iilang local na mga tournament na mas humasa pa sa kanyang skills.

Credit: Benrose Operiano Facebook

Sa training at gabay ng kanyang coach na si Haig pati na rin ng buong suporta na ibinibigay ng parents ni Bince sa kanya, napagtagumpayan ng 9 taong gulang na Bicolano na manalo sa “Boys Under 9 Category” nitong September sa Dapitan city at siya nga ang naging representative ng Pinas sa competition na naganap kumakailan lamang sa Thailand kung saan ay nagwagi siya laban sa 29 contenders mula sa iba’t-ibang bansa.

Katulad ng kapwa niya athletes, labis din ang financial na struggles ng pamilyang Operiano lalo na’t hindi umano sapat ang kanilang pera sa pagpapadala kay Bince sa Thailand pero dahil sa tulong ng maraming tao, matagumpay umano na nakapag-compete ang bata at kalaunan nga ay sumunod ang kanyang ama na si Ben na siyang numero unong fan ng anak.

Nilisan man niya ang Oas, Albay bilang isang mere na manlalaro ng chess, uuwi naman ngayon si Bince bilang isang Pinoy champ na tiyak na aagaw sa pansin ng lahat ng mga tao sa kanilang lugar.

Credit: Benrose Operiano Facebook

Congratulations, Bince! Proud ang sambayanang Pilipino sa’yo.