Bagama’t libre lamang ang mangarap, sobrang mahal naman ang pagsasakaturapan ng mga ito. Marami na tayong natunghayan na mga kuwento ukol sa isang tao na nakapagtapos ng pag-aaral o hindi kaya’y nagtagumpay sa buhay sa kabila ng kahirapan ngunit patuloy pa rin tayong napapahanga sa mga bagong kuwento na umuusbong katulad na lamang nito.
Credit: Joshua Mahilum Facebook
Hindi biro ang pag-aaral dahil kailangan talagang magsunog ng kilay para lamang makapagpatuloy ngunit doble ang hirap at effort ng mga estudyanteng hindi lamang abala sa kanilang exams at projects sa skwela dahil abala rin sila sa pagkayod para lamang matustusan ang kanilang pag-aaral.
Marami man ang nagsasabi na isang malaking hadlang ang kahirapan sa pagpapatuloy sa pag-aaral, pinatunayan naman ng isang dreamer sa Bacolod na si Joshua Mahilum na walang imposible dahil nakapagtapos lang naman siya sa University of St. La Salle (USLS) na school umano ng “rich kids” sa kanilang lugar.
Credit: Joshua Mahilum Facebook
Isang anak ng traysikel driver at tindera si Joshua Mahilum ngunit dahil sa kanyang determinasyon at encouragement ng kanyang ina na pumasok sa USLS, nagawan nila ito ng paraan sa pamamagitan ng pag-aaply ng scholarship sa mismong university at sa DOST kung saan ay mapalad siyang nakapasa.
Dahil sa kanyang natanggap na scholarships, nagawa ni Joshua na mairaos ang kanyang pag-aaral hanggang matagumpay nga siyang nakapagtapos sa kursong Chemical Engineering.
Credit: Joshua Mahilum Facebook
Sa kanyang Facebook post nito lamang, ikinuwento ni Joshua na dati pa lamang ay isa na siyang honor student kung saan ay grumadweyt siya bilang Salutatorian sa Vista Alegre-Granada Relocation Elementary School at Valedictorian naman noong hayskul. Nang lumipat sa USLS nang tumungtong sa huling dalawang taon ng highschool, kasali naman siya sa Top 20. Dahil sa ipinapamalas na consistency ni Joshua, talagang napanatili niya ang kanyang scholarships hanggang siya’y nakapagtapos sa college.
Credit: Joshua Mahilum Facebook
“Since elementary, I have been an honor student; always present in every recognition rite; always the one with the medals and ribbons; always one of the front sitters,” pahayag ni Joshua.
Hindi talaga natin maaabot ang ating mga pangarap sa buhay kapag hindi natin ito ay pagsusumikapan. Kasabay ng pananalig sa Panginoon, pagbuhos ng effort at ipinakitang determination ni Joshua, talagang pinatunayan niya na hindi lamang limitado o nakadepende sa yaman o kahirapan ang tagumpay.