Aso na na-stranded sa rooftop ng isang bahay at kanyang amo na ka-look-alike ni Vic Sotto, viral matapos magkita muli!

Sa kasagsagan ng matinding pagbaha sa ilang lugar sa Luzon dahil sa bagy0ng Ulysses, isang alagang aso ang nakuhanan ng letrato ng isang netizen na stranded sa bubong ng isang bahay sa San Mateo, Rizal.

Credit: Larry Monserate Piojo Facebook 

Isang netizen na nagngangalang Larry Monserate Piojo ang kumuha sa letrato ng alagang aso na naiwan ng kanyang amo. Sa kanyang Facebook account ay in-upload ni Larry ang mga letrato ng aso.

Caption niya sa kanyang FB post, “Dog stuck on a rooftop in San Mateo, Rizal.”

Makikita sa letrato na basang-basa at nanginginig sa lamig ang alagang aso. Maliban dito ay kapansin-pansin din na malungkot ang aso.

Sa taas kasi ng tubig baha ay malapit na nitong lamunin ang bahay na kinaroroonan ng aso. Matapos makita ang mga larawan ng na-stranded na aso, maraming mga netizen ang nagpahayag ng kanilang kalungkutan dahil sa nakakalungkot na sitwasyon nito. Marami ang humiling at nanawagan para mailigtas ang na-stranded na aso. Komento ng netizens:

“hope u can wait [sad emojis] they will rescue u also…don’t be afraid huh”

“awww [broken heart emojis] sana na save at safe na syaaa”

“Pray for this dog na makaligtas din siya nakakaawa naman”

Credit: Larry Monserate Piojo Facebook

Pagkaraan naman ng ilang oras ay nag-update ulit si Larry sa kalagayan ng alagang aso. Isang magandang balita ang ibinahagi ni Larry dahil sa panibagong letrato na in-upload niya ay makikita si Rambo na na-rescue na at nasa pangangalaga ng kanyang amo na si JR.

Ayon sa update ni Larry, kinilala ang na-stranded na alagang aso bilang si Rambo.

“For those asking, Rambo, the dog stuck on a rooftop has been rescued and reunited with his owner, JR,” ani Larry.

Samantala, agad namang nag-viral ang letrato ni Rambo kasama ang kanyang amo na si JR. Bukod sa natuwa ang mga netizen sa pagkakaligtas kay Rambo ay natuon din ang kanilang atensyon kay JR na ka-look-alike daw ni “Eat Bulaga” host Vic Sotto.

Sa katunayan, ay maraming “memes” o mga nakakatuwang letrato ang nagsilabasan matapos ibahagi ni Larry ang larawan nina JR at Rambo.

Nagkakaisang sambit pa ng mga netizen, “Mabuhay ka bossing Vic Sotto!”
Narito naman ang ilang nakakatawang komento ng netizens:

Credit: Larry Monserate Piojo Facebook

“Salamat bossing Vic Sotto sa pagkakaligtas mo sa aso, mabuhay ka eat bulaga”

“Matulungin talaga c bossing vic sotto!…Kahit aso nakahanda cya tumulong!…Mabuhay ka bossing…”

“Salamat bossing Vic. Mabuhay dabarkads!”

“Salamat bossing Vic, number 1 solid dabarkads.”

Sa panahon na isinusulat ito ay umabot na sa mahigit 150K ang shares ng letrato ni Rambo.