Babaeng hirap makahinga kapag natutulog sa gabi, dinadaganan pala ng malaking alagang aso

Likas sa mga Pinoy ang may iba’t ibang paniniwala. Madalas sa pagtulog natin, kapag may kakaiba kang nararamdaman maiisip mo na parang may mali sa loob ng iyong tahanan. Mapapaisip ka kung meron bang masamang espiritu na nakapaligid sayo o may kababalaghang nangyayari habang ikaw ay natutulog.

Credit: อีจัน Facebook

Marami rin sa mga Pinoy ang naniniwala sa kasabihang “to see is to believe” o kapag nakita mo na saka ka palang maniniwala. Ganyan ang naging kwento ng isang babaeng na hindi makahinga tuwing natutulog sa gabi. Hindi niya alam kung anong magiging reaksyon nang makita niya ang rason kung bakit hindi ito makahinga sa gabi.

Nagtrending kamakailan ang video at ilang larawan ng isang Thai national kasama ang alaga nitong aso sa social media. Makikita sa video na mahimbing ang pagkakatulog ng babae habang nakadagan sa kaniya ang napakalaking alagang aso nito.

Credit: อีจัน Facebook

Nabanggit ng babae na ilang araw na itong nakakaramdam ng paninikip ng dibdib at hindi makahinga habang natutulog. Naiisip nito noon na baka may masamang espiritu sa kaniyang kwarto.

Sa tulong ng kaniyang CCTV na nakalagay sa loob ng kaniyang kwarto ay natuklasan nito kung sino ang saralin sa paninikip ng kaniyang dibdib. Nakita nito sa CCTV footage ang mga gawain ng kaniyang pet habang siya ay natutulog ng mahimbing.

Ang kaniyang alagang aso ay nakailang beses na nagpabalik balik para siya ay upuan at daganan habang ito ay natutulog. Tila pinoprotekhan at binabantayan siya ng kaniyang alagang aso. Sa laki ng kaniyang aso ay talagang maninikip ang dibdib mo kapag dinaganan ka nito.

Credit: อีจัน Facebook

Dahil sa CCTV footage, nakita ng babae kung paano siya proteksyonan ng kaniyang alagang aso. Nagdulot man ng paninikip ng dibdib ang proteksyon na binibigay ng kaniyang aso, napatunayan naman nito kung gaano ka loyal at kamahal siya ng kaniyang alaga. Talaga namang maasaan ang alaga nito at tiyak na maliligtas siya sa ano pa mang kapahamakan.