Babaeng nakapasa sa board exam, inutusang gawin ang sarili niyang congratulatory tarpaulin!

Kahit na’y kakapasa lamang sa board exam ng nursing, tila’y wala pa rin talagang takas sa power ng kanyang ina si Ma. Isabel Lim dahil siya lang naman ang nautusan na gumawa sa sarili niyang tarpaulin!

Maliban sa pangarap natin na makapagtapos sa kolehiyo, gusto rin natin na maging isang ganap na professional sa napiling field kung kaya’t karamihan talaga sa mga bagong graduates ay kaagad na nagsusunog ng kilay upang makapasa sa board exam at isa na nga sa mga ito ay si Ma. Isabel Lim na nakapagtapos ng kursong nursing sa Nueva Ecija of Science and Technology sa Cabanatuan.

Ilang buwan bago pa man naganap ang PNLE nito lamang November 2022, ibinuhos na talaga ni Ma. Isabel ang lahat sa pag-aaral kaya nang nabalitaan niyang kabilang siya sa “list of passers” ay ipinagdiwang talaga ito ng kanyang buong pamilya pero sa kabila ng kanilang masayang celebration, hindi pa rin niya naiwasang mautusan ng kanyang nanay.

Sa video na matatandaang nag-viral sa Tiktok matapos lumabas ang resulta ng PNLE, mapapanood na si Ma. Isabel talaga mismo ang nag-layout at nagdisenyo sa kanyang tarpaulin gamit ang sarili niyang laptop.

@_isabellelim “We are so proud of you” 💀😂#PNLE #pnle2022 #RN2022 #nurse #nursesoftiktok #toprank #boardexam #tarpaulin #fyp #xyzbca ♬ Funny Song – Cavendish Music

“Yung ikaw nakapasa ng Boards pero ikaw din pinagawa ng tarp mo 😂,” sulat niya sa kanyang caption.

Sa interview ng PEP.ph kay Ma. Isabel, ikinuwento niyang matagal na umano siyang kinukulit ng kanyang nanay na gumawa ng “congratulatory tarpaulin” kaya kahit medyo kinakabahan siya sa magiging resulta ng PNLE, bumigay umano siya kalaunan.

“After our board exam, halos araw-araw na po ako kinukulit ng mama ko na magpapagawa na siya ng tarpaulin kahit wala pang results,” saad ni Ma. Isabel.

“Ako po inutusan niyang mag-layout ng design since marunong naman daw akong mag-edit at para makatipid na rin.”

Dagdag pa niya, “At first, ayoko pa po pumayag dahil sobrang anxious ko po sa paghihintay ng results but in the end, pumayag na din ako kasi I can see my mom’s excitement and editing that picture also helps me to relieve my anxiety sa paghihintay ng results ng board exam.”

Hirit pa nga ni Ma. Isabel, muntik na umano niyang isulat sa tarpaulin ang mga katagang ‘I’m so proud of me’ imbes na ‘We’re so proud of you’ na labis namang kinagiliwan ng netizens lalo na’t sobrang dami palang naka-relate sa experience niyang ito.

Siya man mismo ang gumawa sa sariling tarpaulin, wala naman umanong makakatumbas sa nakita niyang proud na look ng kanyang pinakamamahal na ina ngayong isa na siyang ganap na nurse!