Talagang may paraan para sa taong may malaking pangarap kaya kahit akala man ng karamihan na imposible para sa isang batang pulubi na magtatagumpay sa buhay, hindi ito sumuko at talagang nagpatuloy upang makamit ang kaginhawaan.
Credit: Arlene Eje Alex Facebook
Marami na tayong naririnig na mga kuwento tungkol sa mga batang pulubi na kumakayod na sa napakamurang edad at sa tuwing nalalaman natin ang tagumpay nila, hindi kailanman naging bago para sa ating pakiramdam ang amazement at kasiyahan.
Marahil ay karamihan sa atin ay nag-aakala na pare-pareho lamang ang kuwentong “rags to riches” o hindi kaya’y mula sa hirap hanggang kaginhawaan na mga uri ng storya, may iba’t-ibang version at struggles ang bawat isa sa kanila katulad na lamang ng gurong nag-viral ngayon sa social media na si Arlene Eje Alex, isang half-Badjao at half-Tagalog dahil sa kanyang nakaka-inspire na kuwento.
Sa mura niyang edad, namulat na si Arlene sa kahirapan ng kanilang buhay. Kahit na’y naghihirap, hindi umano siya pinapayagan ng kanyang ama na manlimos at sumisid sa pier upang makalikom ng barya pero simula nang nagkasakit at hindi na kaya ng kanyang ama na magtrabaho pa, napilitan umano siyang sumabak sa ganoong paraan upang kumita ng pera.
Credit: Arlene Eje Alex Facebook
Ayon kay Arlene, 8 taong gulang pa lamang siya nang nagsimula na siyang sumisid sa pier upang masuportahan ang sarili at ang kanyang pag-aaral.
“Eight years old po nag-start na akong manisid sa pier para lang po maka-survive sa araw-araw at may panustos sa pag-aaral,” kuwento niya.
Upang makaahon sa kahirapan, talagang pinagbutihan ni Arlene ang kanyang pag-aaral at dahil sa kanyang pagpupursige, nakapagtapos siya at ngayon ay isa nang ganap na guro sa isang publikong paaralan. Kumakailan lamang, nakamit na rin niya ang kanyang Master’s degree kaya kung ikukumpara sa kanyang buhay noon, sobrang laki na talaga ng ipinagbago nito dahil sa sipag at tiyaga ni Arlene.
Credit: Arlene Eje Alex Facebook
Ayon sa kanya, kahirapan umano ang nagtulak sa kanya na tapusin ang kanyang edukasyon at tunay nga sa kanyang paniniwala na kapag desidido ang isang tao ay talagang may paraan, napagtagumpayan ni Arlene ang pagkamit niya sa kanyang pangarap dahil ngayon, unti-unti na niyang napapasakamay ang pinapangarap na magandang buhay para sa sarili at sa pamilya.