Batang nagtitinda ng Sampaguita, viral ngayon sa social media dahil sa taglay na kagandahan

Hindi na bago na makakita tayo ng mga magagandang babae, bata man o matanda sa gitna ng daan.
Kamakailan nga ay nag-viral sa social media ang isang batang naglalako ng Sampaguita sa kalsada matapos siyang makuhanan ng letrato ng isang netizen.

Sa Facebook post ng isang netizen na nagngangalang Honney Balasabas, ay ibinahagi niya ang ilang letrato ng nasabing napakagandang bata na nagtitinda ng Sampaguita sa kalsada. Sa mga larawang ibinahagi ni Honney, ay makikita ang litaw na litaw na kagandahan ng bata.

Credit: Honney RJ Balasbas Facebook

Sa caption ng kanyang FB post ay ikwenento ni Honney kung paano naagaw ang kanilang atensyon ng bata dahil sa taglay nitong kagandahan.

Ayon kay Honney, ang kanyang asawa raw talaga ang madalas makakita sa bata. Saktong magkasama sila ng kanyang asawa nang makita nila ang bata na naglalako ng Sampaguita.

Kwento pa ni Honney, naintriga umano siya sa sinasabi ng kanyang asawa na napakagandang bata.
At nang buksan na nga niya ang bintana ng kanilang sasakyan ay namangha at nagulat si Honney dahil sa kagandahan ng bata.

Ani Honney, “Pag tingin ko hindi ko sya maaninag masyado kase madilim. And I don’t have glasses on. So Onnie opened the window. At nakita ko nga sya. Napaka gandang bata. Alam ko napansin nya na I was taking photos of her pero hindi din sya tumitingin sa akin…”

Credit: Honney RJ Balasbas Facebook

Dagdag ni Honney, “So, dahil hindi pa din ako maka get over sa napaka pretty na bata. I asked Onnie ilang times na nya nakita. Naka ilang times na din daw. Minsan 11pm daw na pauwi sya andoon pa rin ang bata. May ulan or wala. Nasa kalsada daw. Parang na takot naman ako bigla for her. Ang dami loko loko kase tapos nasa kalsada pa sya ng ganoong oras.”

Credit: Honney RJ Balasbas Facebook

Sa pangalawang pagkakataon ay nakita na naman daw nila ulit ang bata na nagbebenta ng Sampaguita. Sa pagkakataon na ito, ay malinaw na malinaw na raw kay Honney kung gaano kaganda ang bata na nagtitinda ng Sampaguita.

Dahil namangha siya sa kagandahan ng bata kaya naman kinunan niya ito ng mga larawan.

Credit: Honney RJ Balasbas Facebook

Kwento ni Honney, “We saw her again, at naaninag ko nga sya ulit. Napakaganda nga nya pala talaga. Pero dahil very shy sya. Hindi ko na sya natanong pero I told her pictureran ko sya dahil napaka pretty nya. And she smiled. This time hindi nya na binigay sa amin ang sampaguita after giving her 100php. Alam na nya na matic na yun. Hindi namin kinukuha kase si Onnie hindi nya masyado gusto smell ng sampaguita. Masyado daw mabango 😊”