Batang singer, pinabilib ang netizens sa “whistle” niyang mala-Mariah Carey

Sa sobrang daming mahuhusay na singer ngayon, may iilan pa rin talaga na hindi nadidiskubre ng karamihan. Marahil ay dahil hindi sila kabilang sa showbiz o spotlight katulad ng mga sikat na mga mang-aawit ngunit kahit ganoon pa man, deserve talaga nila ang recognition.

Credit: Nicole Ann Nudalo Facebook

Hindi talaga masusukat sa experience o sa edad ang pagkakaroon ng talent. Kung ang iba ay mas pinipili na itago na lamang sa lihim ang kanilang talento, mayroon namang iba na talagang hindi nagdadalawang-isip na ibida ang kanilang kakayahan sa nakahiligang larangan katulad na lamang ng batang singer mula sa Sampaloc, Manila na sobrang all out sa pagvi-videoke at ipinamalas ang husay at galing sa pagkanta.

Of course, hindi talaga mawawala ang videoke o karaoke sa bawat family gathering dahil nagsisilbi itong libangan ng mga matanda o kahit bata man ngunit ang simpleng bonding ng pamilyang Nudalo sa Sampaloc, Manila ay bigla na lamang naging concert nang nasa kamay na ng batang si Keozaki Nudalo ang microphone at bumirit sa kantang “Emotions” ni Mariah Carey.

Sa video na ibinahagi ng kanyang nakatatandang kapatid na si Nicole Ann Nudalo nito lamang Linggo, June 5 ay mapapanood kung gaano ka-effortless ang pagkanta ni Keozaki sa sikat na kanta na “Emotions” ni Mariah Carey. Kahit na’y puno ng matataas na mga tono ang nasabing kanta, sadyang natural lamang ang kanyang pagbirit at sinamahan pa nga niya ito ng whistle.

Credit: Nicole Ann Nudalo Facebook

“My 9 year old brother singing Emotions by Mariah Carey,” sulat ni Nicole Ann Nudalo sa kanyang caption. Makaraan ang isang araw, hindi inaasahan ng buong pamilyang Nudalo na magva-viral ang video na ito ni Keozaki sa social media.

Dahil sa kahusayang ipinamalas ni Keozaki sa napakamurang edad, nag-iwan ng magaganda at posibitong mga komento ang netizens. Iilan lamang sa kanilang papuri ay ang mga ito:

“Ang galing po nya. Pwede syang pang got talent. May future ang batang ito sa music industry. Hindi biro yong whistle nya. Keep it up.”

Credit: Nicole Ann Nudalo Facebook

“May future. Alagaan ang boses!”

“hoy ang galing ng bata!”

Credit: Nicole Ann Nudalo Facebook

Sa napakamurang edad, kahanga-hanga na talaga ang kahusayan na ipinapakita ni Keozaki Nudalo at kung napabilib na niya ang karamihan sa kanyang naging performance, mas lalo pa niya tayong mapapahanga lalo na’t promising na ang kanyang future bilang isang singer!