Boy Tapang, walang takot na ipinakilala sa publiko ang kanyang mestizang GF!

Punong-puno talaga ng challenges at trials ang buhay kung kaya’t kinakailangan talaga na masanay tayong maging malakas upang hamakin ang lahat ng pagsubok na dumaan sa ating buhay ngunit bawat isa pa rin sa atin ay may kahinaan dahil pati ang self-proclaimed na malakas na nilalang na si Boy Tapang ay aminado rin na may weakness.

Credit: Kapuso Mo, Jessica Soho on GMA Public Affairs YouTube

Marami ng Pinoy vloggers na umangat sa kasikatan dahil sa kanilang inspiring na lifestyle o ‘di kaya’y baon nila ay entertainment pero ibahin niyo si Ronnie Suan o mas kilala ng karamihan bilang si Boy Tapang dahil isa lang namang pambihirang mukbang ang handog niya at ito ay ang pagkain ng exotic food, buhay na mga insekto, at iba pang hindi pangkaraniwang mga pagkain. Dahil sa walang takot at walang pandidiri niyang pagkain ng iba’t-ibang insekto katulad na lamang ng ipis, bulate, at marami pang iba, matitiyak talaga na malakas ang kanyang sikmura pero taliwas sa pag-aakala ng karamihan na wala siyang inuurungan, ginulat lang naman niya ang fans nang buong lakas niyang inamin ang kahinaan niya pagdating sa mga babae.

Sa latest na episode ng KMJS, featured si Boy Tapang at ang kanyang mestizang girlfriend na si LJ Satterfield kung saan ay proud nilang ibinahagi sa madla ang kuwento ng kanilang pag-iibigan.

Credit: Kapuso Mo, Jessica Soho on GMA Public Affairs YouTube

Sa likod ng makwelang vlogs ni Boy Tapang, hindi pala naging biro sa kanya ang taong 2022 dahil sa hiwalayan nila ng kanyang dating girlfriend pero unti-unti naman itong naghilom nang nakita niya sa socmed ang larawan ng isang maganda at mestizang Filipino-American mula sa Cebu na si LJ Satterfield at dahil “dream girl” niya ay isang foreigner, buong lakas siyang nag-message.

Credit: Kapuso Mo, Jessica Soho on GMA Public Affairs YouTube

Noong una pa lang, alam na umano talaga ni Boy Tapang na hindi magiging madali para sa kanya ang magpapansin sa dalaga pero itinodo talaga niya ang pagpapadala ng messages hanggang isang araw, nakatanggap siya ng reply na naglalaman ng emoji. Kahit na’y napakaliit na bagay lamang nito, nabigyan umano ng pag-asa si Boy Tapang hanggang nagtuloy-tuloy nga ang kanilang communication, personal silang nagkita, at nagkamabutihan.

Pagbabahagi ni LJ, kabaliktaran umano sa kanyang type sa mga lalaki si Boy Tapang pero gayunpaman, matagumpay naman nitong nasungkit ang puso ng dalaga dahil sa magaan niyang personality pati na rin ng kanyang palabiro at makulit na nature.

Credit: Kapuso Mo, Jessica Soho on GMA Public Affairs YouTube

Aminado man si Boy Tapang na malas siya sa kanyang Pinay na ex-GF, buong lakas naman niyang ipinagsisigawan sa mundo ang pagiging swerte niya sa Filipino-American niyang girlfriend.