Businessman sa Bahrain, itinuturing na blessing ng kanyang Pinoy employees

Sa panahon ngayon, talamak na talaga ang hindi magagandang activities at kaliwa’t kanan na rin ang masasaklap na issues ngunit may mga tao pa rin na nananatiling mabuti dahilan kung bakit muling bumabalik ang pag-asa ng karamihan sa atin na mas marami pa rin talaga ang mabubuting mga tao sa mundo.

Credit: GMA Public Affairs YouTube

Hindi naman lingid sa kaalaman natin kung gaano kahirap ang pamumuhay sa Pilipinas kaya marami talaga ang nakikipagsapalaran sa ibang bansa upang mabigyan ng mas magandang buhay ang kanilang pamilya pero hindi lahat ng OFWs ay maswerteng nakakatagpo ng mabubuting mga amo dahil iilan sa mga ito ay nakakaranas ng grabeng struggle sa kamay ng foreigners ngunit para sa limang Pinoy na kasalukuyan ngayong nagtatrabaho sa isang flower shop sa Bahrain na pagmamay-ari ng isang Arab na negosyante na si Mishal Mohamed, wala na silang iba pang mahihiling sa kanilang amo na nuknukan umano ng kabaitan.

Higit pa sa employer-employee ang relationship na meron si Mishal at ng limang Pinoy na nagtatrabaho ngayon sa kanyang flower shop dahil itinuturing din niya itong pamilya dahilan kung bakit sobrang lively talaga ng kanilang environment.

Dahil sa nakakaantig na relationship sa pagitan ni Mishal at ng kanyang Pinoy employees, featured ang kanilang kuwento sa GMA News kung saan ay ibinahagi ni Mishal ang labis niyang pasasalamat sa existence ng kanyang limang Pinoy staff.

Ayon kay Mishal, gusto umano niya ang Pinoy employees dahil sa magaan na vibe na hatid ng mga ito at dahil natural silang masigasig sa trabaho.

Credit: GMA Public Affairs YouTube

“I like to have Filipino staff kasi I like their vibe. I like the way they work. They’re more artistic. They have the taste in flowers,” pahayag ni Mishal.

Of course, hindi lamang purong trabaho ang ginagawa ni Mishal at ng kanyang limang Pinoy employees dahil sa tuwing mayroon silang bakanteng oras, magkakasama naman silang sumasabak sa iilang Tiktok challenges pero karamihan sa viral na videos ng negosyanteng Arab ay ang kulitan moments niya sa kanyang paboritong staff na si Jolie na ayon sa kanya ay para na rin niyang matalik na kaibigan.

Credit: GMA Public Affairs YouTube

Marami man tayong nasasaksihan o hindi kaya’y nalalamang mga tragic na kuweno tungkol sa iilang OFWs na minsan nang nakaranas ng labis na karahasan sa kamay ng kanilang mga amo sa ibang bansa, sobra-sobra naman ang pasasalamat nina Jolie dahil maswerte nilang natagpuan ang napakabuting amo na hindi lamang sila binibigyan ng sapat na sweldo dahil concern din umano ito sa kanilang kasiyahan at welfare.