Christmas-themed cakes na gawa ng isang Construction Engineering graduate, patok na patok ngayon sa maraming Pinoy!

Kilala ang Pilipinas bilang isa sa mga bansa sa mundo na may pinakamasaya at pinakamarangyang pagdiriwang ng kapaskuhan. Sa katunayan, mga Pinoy ang may pinakamahabang pagdiriwang ng Pasko. Tuwing sasapit na kasi ang ‘Ber Months’ o buwan ng Setyembre, puspusan na ang paghahanda natin para sa holiday season.

Credit: Kapuso Mo, Jessica Soho on GMA Public Affairs YouTube

Kaya bago pa man sumapit ang buwan ng Disyembre, ramdam na ramdam na ng maraming Pinoy saan mang panig ng mundo ang diwa ng Pasko.

Credit: Kapuso Mo, Jessica Soho on GMA Public Affairs YouTube

At isa nga sa mga inaabangan ng lahat sa panahon ng kapaskuhan ay ang bonggang handaan.
Pero bukod sa Keso de Bola, Ham at Lechon na itinuturing na mga ‘classic’ na pagkaing inihahain tuwing Pasko ng maraming Pinoy, alam n’yo ba na may bagong Christmas food na sikat ngayon? Ito ang mga Christmas-themed cake na patok na patok ngayon sa panlasa ng maraming Pilipino.

Credit: @amberlynskitchen Instagram

Kabilang naman ang Construction Engineering Management graduate na si Nica Casta sa mga gumagawa ng mga masasarap at magagandang Christmas-themed cake.

Kamakailan lamang ay naitampok ang cake creations ni Nica sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho.

Credit: @amberlynskitchen Instagram

Tampok sa mga likhang cake ni Nica ang ilang Christmas-themed cake toppers tulad ng Christmas tree, red ribbon, gingerbread at higit sa lahat Snow na gawa sa Confectioners’ sugar. Ayon kay Nica, lahat ng mga nilalagay niyang pangdesenyo sa cake na ginagawa niya ay pwedeng kainin!

Kaya siguradong matatakam at mabubusog hindi lamang ang inyong mga tiyan kundi maging ang inyong mga mata sa sarap at desenyo ng mga Christmas-themed cake na gawa ni Nica tulad ng ginawa niyang Snow Globe Cake, Christmas Garland Cake, Strawberry Santa Cake, Christmas Treats Cake at marami pang iba!

Credit: @amberlynskitchen Instagram

Umaabot sa P1000 hanggang P1500 ang presyo ng Christmas cakes ni Nica. Talaga namang abot-kaya!

Samantala, bukod sa mga Christmas-themed cake, gumagawa rin si Nica ng samu’t saring cake batay sa okasyon at tema na gusto ng kanyang mga customer.

Mahigit isang taon pa lamang ang negosyo ni Nica ngunit labis itong lumago at nag-b00m. Kaya labis ang kanyang pasasalamat sa biyayang dumating sa kanya lalong-lalo na sa mga tumantangkilik sa kanyang mga cake.

Credit: @amberlynskitchen Instagram

“Biglang lumaki yung business ko kasi mag-isa ko lang kasi as in pinaikot yung pera ko,” mangiyak-ngiyak na saad ni Nica.

Credit: Kapuso Mo, Jessica Soho on GMA Public Affairs YouTube

Dagdag pa niya, “Proud na proud ako kasi kaya ko nang tulungan yung parents ko.”