Dalawang pulis sa CDO, walang pag-aalinlangan na isinauli ang nawawalang wallet na naglalaman ng aabot sa 1.2 milyon!

Sa hindi malamang rason, nakakaramdam talaga tayo ng kakaibang kaba sa tuwing nakakakita ng mga pulis lalong-lalo na kapag sila’y naka-uniporme pero muli lang namang pinatunayan ng kapulisan sa Cagayan de Oro na ang purpose ng kanilang serbisyo ay ang sa proteksyon at kabutihan ng publiko kahit gaano man ito kalaki o kaliit.

Credit: Police Station 3 Agora Facebook

Ang layunin ng kapulisan ay ma-preserve ang kapayaan sa isang komunidad at hulihin ang mga masasamang tao kaya talagang dedicated at committed sila sa kanilang mga trabaho. Maliban nito, nais din nila na mapabuti ang kalagayan ng mga mamamayanan kaya sa tuwing may sumbong at reklamo, kaagad talaga nila itong inaaksyunan. Sa katunayan, may mga pagkakataon pa nga na hindi na nila kinakailangan pa ng saklolo upang magbigay ng tulong katulad na lamang sa naging sitwasyon sa Cagayan de Oro kumakailan lamang na muntik nang magdulot sa isang babae ng matinding pagkalugmok.

Matatandaan kumakailan lamang nang nag-viral ang storya ng dalawang pulis sa CDO na sina P/SSG. Nathaniel Justiniani at Pat. Neiljun Navarro na nagsauli ng nawawalang wallet na naglalaman lang naman ng 1.2 milyong piso!

Ayon sa kay P/SSG. Justiniani at Pat. Navarro, nasa kalagitnaan umano sila ng kanilang pagpa-patrol sa area malapit sa isang hotel nang nakakita sila ng wallet na naglalaman ng importanteng IDs, dollars, at mga ATM card. Imbes na sarilihin lamang ang nakitang wallet lalo na’t sobrang dami ng laman, mas pinili naman ng dalawang pulis na pairalin ang kabutihan sa kanilang puso at isinauli ito sa may-ari.

Credit: Police Station 3 Agora Facebook

Sa kanilang kuwento, una umano nilang sinubukang tawagan ang numero na naka-indicate sa IDs pero hindi umano nila ito na-contact kaya napagdesisyunan nilang isangguni na lamang ito sa mismong hotel kung saan pala nananatili ang babae na nagmamay-ari ng nawawalang wallet.

Matapos umano nila itong ilapit sa front desk, kaagad umano na dumating ang may-ari ng wallet at nang nalaman nitong natagpuan na rin ang nawawala niyang pitaka, labis umano itong nagpasalamat sa kanila.

“After a few minutes, bumaba siya sa elevator, pumunta sa akin at niyakap ako habang humahagulhol ng iyak. Sobra siyang nagpapasalamat dahil hindi umano niya inasahan na makikita pa ang kanyang wallet na naglalaman ng importanteng mga dokumento at pulis pa ang naka-recover,” pahayag ni Justiniano.

Credit: Police Station 3 Agora Facebook

Bilang isang pulis, may mga paninindigan at tapat talaga sila sa kanilang panunumpaan at sa simpleng pagsauli nila sa nawawalang wallet, muli nilang naani ang tiwala at positibong feedback ng karamihan.