Dating housewife, kumikita na ng limpak-limpak na pera sa pagbebenta online!

Ang mga babae, palaging lamang at patuloy lang naman itong pinapatunayan ng mga kababaihan ngayon dahil kung noo’y stuck lamang sa bahay, pag-aalaga ng mga anak, at pag-aasikaso sa lahat ng mga gawaing-bahay ang madalas nilang role, ngayon naman ay pinapangunahan na nila ang listahan ng mga taong kumikita ng limpak-limpak na pera!

Credit: Brendalyn Delos Reyes Facebook

Sa panahon ngayon, hindi na talaga practical ang pagkakaroon ng iisang provider bawat pamilya lalo na’t sobrang taas na ng presyo ng mga bilihin kung kaya’t kinakailangan talaga ng isang couple na magtulungan sa lahat ng mga gastusin pero hindi naman kailanman inakala ng isang momshie na si Brenda Lyn “Mercy” delos Reyes na hindi lamang pala siya simpleng kikita ng kakarampot na pera dahil simula nang sumabak sa online selling, libo-libo lang naman ang kanyang kinikita sa araw-araw.

Marahil ay karamihan sa atin ay napatanong kung paano kumikita si momshie Mercy ng ganoon kalaking pera sa pagbebenta online lalo na’t hindi lahat ng sumasabak nito ay mapalad pero sa determinasyon niyang mapagtagumpayan ito, hindi talaga siya kailanman sumuko kahit na’y ibig sabihin nito ay ang madalas niyang pagpupuyat para lamang maasikaso ang orders ng kanyang mga customer.

Pagkukuwento ni Mercy, isa lamang siyang housewife na mahilig manood ng nga live selling at mahilig sa pamimili online hanggang bigla nga niyang naisip na subukan ito.

Credit: Brendalyn Delos Reyes Facebook

“Nagma-mine lang din po ako sa ibang mga nagla-live selling and then na-realize ko, sabi ko, ang dami kong binibili, hindi ko naman nasusuot lahat,” aniya.

Dagdag pa niya, “Sabi ko ‘Kaya ko itong gawin. Gawin ko rin kaya mag-online selling ng mga damit.'”

Nagsimula lamang si Mercy ng isang bale ng mga damit at ibinenta ito online hanggang dumoble at trumiple nga ito dahil palagi naman kasing patok sa kanyang customers ang ibinebentang mga damit.

Ayon kay Mercy, nagsimula lamang siya sa isang bale na nagkakahalaga ng 6k-7k pero sa hindi niya inaasahan, sold out palagi ang ibinebenta niyang mga damit.

Credit: Brendalyn Delos Reyes Facebook

Sa bawat live selling niya, pumapalo talaga ng daan-daan ang kanyang viewers kung saan ay majority sa kanila ay kaliwa’t kanan sa pagma-mine kaya wala talagang araw na bigo siya sa pagbebenta dahil kasalukuyan lang naman siyang kumikita ng 120k araw-araw!

Kung noon ay isa lamang housewife na may hilig sa pagma-mine, ngayon naman ay isa na siyang yayamaning online seller!