Dating MMDA personnel at UBER driver, isa ng wais na negosyante ngayon!

Tunay nga na ang buhay ay isang gulong ng palad dahil sino nga ba ang mag-aakala na ang dating driver na sa pamamasahero lamang kumikita ay nagmamay-ari na ngayon ng sandamakmak na negosyo at kumikita na ngayon ng libo-libong pera?

Credit: Chinkee Tan Facebook

Hindi talaga batayan ang pagkakaroon ng pormal na edukasyon o professional na career upang magtagumpay sa buhay dahil sa sipag at tiyaga, wala talagang imposible para sa isang taong punong-puno ng pangarap para sa sarili.

Sa mga panahong nagtatrabaho pa lamang bilang MMDA personnel at UBER driver si Nathan Lumaban, ang mga pangarap talaga niya ang kanyang inspirasyon upang magpursige sa buhay kaya kahit gaano man kahirap ang bawat araw na lumilipas, hindi naman siya kailanman nawalan ng pag-asa na balang araw ay makakamit niya ang kaginhawaan.

Credit: Chinkee Tan Facebook

Simula nang nakilala ni Nathan si Coach Chinkee Tan o mas kilala ng karamihan bilang si “Mr. Chink Positive” na nagbabahagi online ng kanyang expertise sa business, ito ang naging hudyat niya upang subukan at sumabak sa pagnenegosyo.

Credit: Chinkee Tan Facebook

Sa panonood ni Nathan ng videos ni Mr. Tan, marami siyang aral na natutunan at isa na nga sa mga ito ay ang pag-iipon. Imbes na gumastos nang gumastos sa mga bagay na hindi naman practical, napagtanto niyang may mas maganda pa na patutunguhan ang kanyang pera.

Simula nang nakaipon ng sapat, kaagad na nagpatayo ng carwash si Nathan. Maliban nito, mayroon na rin siyang mini resto at water-refilling station. Sa pag-usbong ng mga makabagong investments, sumabak din siya sa Axie kung saan ay mas lalo niyang napalago ang kanyang pera.

Credit: Chinkee Tan Facebook

Sa kaliwa’t kanan niyang mga negosyo, hindi na talaga nakakagulat ang balitang kumikita siya ng 60k-90k kada buwan. Mula sa mga barya at iilang daan na kinikita niya sa araw-araw noon, ngayon ay libo-libong pera na!

Of course, hindi lamang dito natatapos ang lahat dahil kasalukuyan din siyang nagpapatayo ng resort sa Pampanga at kapag natapos ‘yun, inaasahang mas lalaki at dodoble pa ang kita ni Nathan.

Credit: Chinkee Tan Facebook

Matapos ang maraming taon niyang pagsasakripisyo at pag-iipon, sa wakas ay nakamit na rin ni Nathan ang kaginhawaang dati pa lang niyang inaasam.