Green Soldier, masaya sa nalalapit na pagdating ng isa pang anak at ito ang iba’t ibang naging banat ng kanyang fans

Hindi lamang sa jokes o puppet show naidadaan ang entertainment dahil sa pamamagitan ng kilos at gestures ay maaari rin tayong makapaglahad ng kuwento at katatawanan na paniguradong kaaaliwan ng mga manonood kaya isa talaga sa mga dahilan kung bakit madalas na dinadayo ng mga turista ang Baguio city ay dahil sa mime performer na si Jhonwel Reyes o mas kilala ng karamihan bilang si “Green Soldier”.

Credit: Tito Noel Official Facebook

Hindi lamang simpleng pagpapatawa at pagbibigay ng kaaliwan ang kaya ng Green Soldier ng Baguio dahil hindi talaga biro ang paglalahad niya ng kuwento sa pamamagitan lamang ng kilos at galaw nang hindi nagsasalita kaya hindi talaga nakakagulat ang kasikatang tinatamasa niya sa nakalipas na mga taon ngunit sino nga ba talaga si Jhonwel maliban sa kanyang pagkakakilanlan bilang si Green Soldier?

Sa tuwing ipinapamalas ni Jhonwel ang kanyang talento at skills sa pagiging mime performer, madalas talaga siyang napupuri dahil sa kanyang kahusayan sa ginagawa pati na rin sa pagiging effective niyang entertainer. Pero sa labas ng kanyang profession, masasabi naman na isa siyang mapagmahal na asawa at protective na ama lalo na sa depensang ginawa niya laban sa jokes ng netizens patungkol sa kanyang magiging anak.

Sa larawang ibinahagi ni Jhonwel sa FB page niyang “Tito Noel Official” kumakailan lamang, makikitang suot niya ang kanyang Green Soldier na costume na pinaresan naman ng kanyang preggy na asawa ng kulay green na clothing. Sa magandang balita na nais ipahiwatig ni Jhonwel sa larawan, hindi lamang pagbati ang kanilang natanggap dahil marami rin ang nagbiro at pinagkaaliwan ang kanyang magiging baby. Iilan sa mga ito ay:

Credit: Tito Noel Official Facebook

“Half namecian yung baby. Pero okay lang yan atleast tito mo si picolo.”

“Congrats hulk family”

“The validation of “Papa mo Green”

Credit: Tito Noel Official Facebook

Sa lahat ng birong ipinahayag ng netizens sa comment section ng mismong post, tila’y hindi na kinaya ni Jhonwel na manahimik pa kaya bumanat na talaga siya sa isang netizen na pabirong nagtanong ng, “Pag labas po ba ng baby nyo color green?” na sinagot naman niya ng “Ganda mo sana Kaso Mukang kulang ka sa 🧠O sa Pansin?”

Credit: Tito Noel Official Facebook

Sa pagbanat na ito ni Jhonwel, kaagad naman siyang nakatanggap ng pambabatikos mula sa netizens pero marami pa rin naman ang nakaintindi dahil bilang isang ama, sadyang protective talaga siya sa mga anak lalo na’t mabuti ang kanyang intention nang ibinahagi ang larawan sa publiko.