Hidilyn Diaz, nakatanggap rin ng bahay at lupa sa Tagaytay bilang reward sa kanyang pagkapanalo sa Tokyo Olympics

Bago manalo ng gintong medalya sa ginanap na Tokyo Olympics 2020 nito lamang Hulyo ay labis na paghih!rap ang pinagdaanan ni Olympic Gold Medalist na si Hidilyn Diaz bago magtagumpay.

Credit: @hidilyndiaz Instagram

Galing sa mahirap na pamilya si Hidilyn. Sa murang edad na 11 ay nagkaroon na siya ng interes sa weightlifting–ang larangang mag-aahon sa kanya at sa kanyang pamilya mula sa kahirapan.

Nang hinirang bilang kauna-unahang Filipino na nanalo ng gintong medalya sa Olympics ay ibinahagi niya sa publiko ang paghihirap na pinagdaanan niya simula nang nanalo sa Olympic Games Rio noong taong 2016.

Credit: @hidilyndiaz Instagram

“Ang dami kong pinagdaanan. After winning the Olympics (Rio 2016), siyempre ang hirap ma-sustain… tapos nagkaroon pa ng matrix. Sobrang gulo ko noong time na iyon then, I decided I have to stop in school para makapag-training,” pahayag ni Hidilyn.

Credit: @hidilyndiaz Instagram

Dagdag pa ni Hidilyn, “I sacrificed a lot. Hindi ko nakasama yung nanay at tatay ko for how many months and years na and then siyempre sa training lahat masak!t. Pero may plano si God.”

Isang inspirasyon si Hidilyn para sa mga taong kagaya niya na nanggaling rin sa hirap at maging sa mga kabataan. Dahil sa kanya ay marami-rami na rin ang nagkaka-interes sa larangan ng weightlifting.

“Kaya natin ‘to. Akala natin imposible, akala ko rin imposible. Wag kayong sumuko,” pag-encourage ni Hidilyn.

Credit: @hidilyndiaz Instagram

Sa makasaysayang pagkapanalo ni Hidilyn ng gold medal sa Tokyo Olympics 2020 ay pinangakuan siya ng gobyerno at ng iilang pribadong kompanya sa Pilipinas ng rewards na talaga namang deserve na deserve niya.

Credit: @olympic.ph Instagram

Maliban sa mga natanggap at matatangap na cash incentives ay pinangakuan din si Hidilyn ng house and lot galing sa Century Properties, ng Presidente ng Philippine Olympic Committee (POC) na si Abraham “Bambol” Tolentino sa Tagaytay, at ng Pangulong Rodrigo Duterte na inaasahang ipapatayo sa Zamboanga City.

Credit: @olympic.ph Instagram

Binigyan din ng free lifetime flights si Hidilyn mula sa Air Asia, magarang sasakyan, at marami pang iba.

Credit: @olympic.ph Instagram

Maituturing na ngayong isang multi-millionare si Hidilyn Diaz at ang lahat ng ito ay resulta ng kanyang pagsusumikap at pagpupursige na makamit ang tagumpay para sa sarili, sa kanyang pamilya, sa mga taong nasa likod ng kanyang tagumpay, at para sa ating bansang Pilipinas.