Hidilyn Diaz, soon-to-be-bride na sa kanyang boyfriend-coach na si Julius Naranjo!

Soon-to-be-bride na ang ating real-life Pinay weightlifting fairy na si Hidilyn Diaz matapos mag-propose sa kanya ang kanyang longtime boyfriend at coach na si Julius Naranjo.

Credit: @hidilyndiaz Instagram

Usap-usapan ngayon sa social media ang nakakakilig at romantic proposal ni Julius na nangyari sa isang hotel sa Resorts World Manila.

Credit: @hidilyndiaz Instagram

Nagbahagi naman si Hidilyn ng isang larawan sa kanyang Instagram account kung saan all-smiles siya habang hawak ang kanyang Olympic gold medal at suot ang ibinigay na gold engagement ring ni Julius. Talagang mababakas sa mukha ni Hidilyn ang labis na kaligayahan sa nasabing larawan.

Credit: @hidilyndiaz Instagram

Inilarawan naman ni Hidilyn bilang “magical moment” ang naging paghingi ni Julius sa kanyang kamay.

Sinabi rin ni Hidilyn na nagpapasalamat siya sa Maykapal dahil binigyan siya ng isang lalaki na tulad ni Julius na ginagawa umanong madali ang kanyang buhay.

Credit: @hidilyndiaz Instagram

Aniya, “It’s YES! It was a magical moment with @imjulius. I’m grateful to God that He sent Julius into my life, he make my life easy.”

Dagdag pa niya, “Alam ng iba kung ano mga sinasakripisyo niya para maabot namin ang pangarap na Ginto sa Olympics together with #TeamHD, nun laro kinilig at masaya ako kasi siya mismo nagsabi God is the center of our relationship, kaya walang duda magYe-YES ako dahil swerte ako may isang Julius nagmamahal, nagintindi, at sumoporta sakin.”

Credit: @hidilyndiaz Instagram

Saad pa ni Hidilyn sa huling bahagi ng kanyang post, “Thank you sa lahat ng kasabwat ni Julius, magaling po kayo naging meaningful ang gabi dahil sa inyo.”

Bumaha naman ang pagbati para kina Hidilyn mula sa mga netizen.

“Congrats, HD!!! Wishing you love for the rest of your days.”

Credit: @hidilyndiaz Instagram

“Congratulations! Wow finally he popped the question!”

“Wow! Lucky in olympics and lucky in love! Ikaw na! Congratulations!”

“Best wishes you two!! and the ring is a beauty!”

Credit: @hidilyndiaz Instagram

Inspirasyon para sa marami ang kwento ng pag-iibigan nina Hidilyn at Julius na unang nagkita sa Asian Indoor and Martial Arts Games sa bansang Turkmenistan noong 2017.

Masasabing nabuo ang pagmamahalan ng dalawa dahil sa hilig nila sa weightlifting. Lingid sa kaalaman ng marami, bago maging coach ni Hidilyn si Julius ay sumasabak muna ito sa mga weightlifting competition.

Credit: @hidilyndiaz Instagram

Matatandang noong 2019 ay ibinahagi nina Hidilyn at Julius na napagkasunduan nilang pagkatapos ng Olympics sila magpapakasal. Natupad nga ang plano nila dahil noong July lamang ay matagumpay na naiuwi ni Hidilyn ang gintong medalya sa Tokyo Olympics 2020 at ngayon naman ay isang gintong singsing ang kanyang natanggap mula kay Julius.