Hidilyn Diaz, umani ng paghanga mula sa netizens matapos ibida ang taglay na lakas at ganda sa isang magazine cover photoshoot!

Muling ibinida ni Hidilyn Diaz ang lakas at ganda ng isang Pilipina ngunit hindi sa isang sports competition kundi sa isang magazine photoshoot.

Credit: @markednicdao Instagram

Oo, tama kayo ng nabasa! Isa na rin ngayong cover girl ang ating “weightlifting fairy”!

Matatandaang matapos ang makasaysayang pagkapanalo ni Hidilyn ng gintong medalya sa Tokyo Olympics, sunod-sunod ang pagbibigay-pugay na ginagawa ng iba’t ibang organisasyon para sa kanya. At kamakailan lamang, kinuha siya ng sikat na local lifestyle magazine na Tatler Philippines bilang kanilang cover girl para sa pagdiriwang nila ng kanilang ika-20 anibersaryo!

Credit: @markednicdao Instagram

Sa kanyang Instagram, ipinost ni Hidilyn ang ilang larawan kuha mula sa kanyang naging photosho0t para sa Tatler Philippines.

Iba’t ibang naggagandahang damit ang isinuot ni Hidilyn na pinili ng celebrity stylist na si Liz Uy. Looking proud, strong, at beautiful din si Hidilyn sa bawat larawan. Highlight naman sa mga larawan ang Olympic gold medal ni Hidilyn.

Credit: @markednicdao Instagram

Hindi naman mapigilan ni Hidiyln na ipahayag ang kanyang kasiyahan sa resulta ng ginawa nilang magazine photosho0t.

Pagbubunyag pa ni Hidilyn, pagod siya nang ginawa nila ang photoshoot para sa “Pinoy Pride” issue ng Tatler Philippines. Gayunpaman, masayang-masaya umano siya habang ginagawa ang kanilang photoshoot sa kabila ng pagod na kanyang naramdaman.

Credit: @markednicdao Instagram

“HAPPY 20th ANNIVERSARY TATLER for this PINOY PRIDE issue! Sa birthday ni Mama Mary, feeling ko ang ganda ko rito . Thank you Sir @antonsd and Sir @iamnoelferrer for making this happen,” ani Hidilyn.

“Sa gitna ng napakaraming challenges, nangyayari ang dapat mangyari nang maganda, mahusay at mabuti! Pagod ako nu’ng kinunan ito – pero sobrang saya ko! Ang ganda talaga!!!” dagdag niya.

Credit: @markednicdao Instagram

Matatandaang noong July 26, winakasan ni Hidilyn ang 97 taong pagkauhaw ng Pilipinas sa ginto sa Olympics nang magwagi siya ng gintong medalya sa women’s 55kg category sa weightlifting competition.

Samantala, bumuhos ang papuri para kay Hidilyn mula sa maraming netizens. Marami ang nagpahayag ng kanilang paghanga hindi lamang para sa kagandahan ni Hidilyn kundi pati na rin sa kakaibang lakas na kanyang taglay bilang isang babae na ramdam na ramdam naman sa kanyang mga larawan. Komento ng netizens:

“What an icon to all the strong an beautiful women!”

Credit: @markednicdao Instagram

“A STAR and an inspiration to the whole country and to the generations of women who have seen and witness your success.”

“You are indeed beautiful and inspiring!!!”

“Gandaaa so powerful Ms. Hidilyn”

“You are really beautiful!!! And strong!!!”