Ilang mga OFW sa Bahrain, pinatunayan ang pagiging matulungin ng mga Pinoy

Tunay nga na walang pinipiling nationality ang kabaitan lalong-lalo na para sa ating mga Pinoy dahil sadyang likas sa atin ang pagiging matulungin sa lahat ng mga taong labis na nangangailangan. Hindi naman lahat ng tao ay maswerte sa buhay dahil karamihan sa atin ay gipit sa pera o hindi kaya’y maraming pasan na problema kaya sa tuwing may taong nakakapansin at walang pasubaling nag-aabot ng tulong, ganoon na lamang kalaki ang impact nito sa atin.

Credit: SaudiPinoy Facebook

Hindi na naman bagong balita para sa karamihan na mahirap talaga pamumuhay at paghahanap ng trabaho sa Pinas kaya marami sa atin na sinubukan ang pag-iibang bansa dahil hindi hamak na mas malaki ang kikitain doon ngunit kalakip nito ay ang pangungulila at struggles sa araw-araw ngunit kahit gaano man kahirap para sa iilang OFWs ang pamumuhay sa ibang bansa, tila’y nananatili pa rin silang positibo.

Hirap man sa pagkayod sa trabaho upang may maipadala lamang sa kanilang naiwan na pamilya sa Pinas, bukas pa rin ang kanilang puso na tumulong, hindi lamang sa mga kababayan ngunit pati na rin sa foreigners na lubos na nangangailangan. Marahil ay dahil sa maraming issues na umuusbong ngayon sa social media, marami na sa atin ang nakakalimot kung gaano kamangha-mangha ang kabaitan ng mga Pinoy kaya naman muli itong pinatuyan ng isang Saudi Arabian na kilala dahil sa kanyang “soft spot” pagdating sa mga Pinoy.

Bagama’t hindi man isang Filipino, kaagad naman na na-touch ni Ahmed Alruwaili ang puso nating lahat dahil sa kanyang viral na videos at vlogs kung saan ay featured ang matinding pagmamahal niya sa mga Pinoy.

Credit: SaudiPinoy Facebook

Sa vlog na ibinahagi niya, mapapanood kung paano niya inabangan ang mga Pinoy na dadaan sa tabing-kalsada sa pretense na nangangailangan siya ng pera upang makasakay ng bus at makauwi sa kanila.

Sa isinagawa niyang “social experiment,” matagumpay niyang na-ambush ang 6 na Pinoy na hiningan niya ng pamasahe sa bus at hindi naman siya nabigo dahil huling-huli talaga sa kamera na sikretong nakatutok sa kanila na wala man lang ni isa sa mga ito ang tumanggi at handa talagang tumulong.

Credit: SaudiPinoy Facebook

Dahil sa sucessful na “social experiment” ni Alruwaili, muling nanumbalik ang bilib ng kapwa mga Pinoy dahil tunay umano na unwavering ang kabaitan at pagiging matulungin natin, kababayan man o hindi.