Iniwang sulat ng isang namayapang misis para sa kanyang mister, nagpaiyak sa maraming netizens!

Naghatid ng luha sa maraming netizens ang Facebook post ng mister na si Nestor Flores Mangila Jr. Laman kasi ng post ni Nestor ang nadiskubre niyang sulat ng pamamaalam para sa kanya mula sa kanyang [email protected] asawa.

Credit: Nestor Flores Mangila Jr. Facebook

Gaya ng mga ibang mag-asawa, nanumpa na sila ay magmamahalan hanggang sa ang kanilang mga buhok ay puti na sina Nestor at ang kanyang asawang si Gladys. Ngunit sa kasamaang palad, binawian ng buhay si Gladys dahil sa isang malubhang karamdaman noong Agosto 2020. Kaya naman naiwan kay Nestor ang dalawa nilang mga anak na babae.

Wala namang kaalam-alam si Nestor na may iniwang sulat pala para sa kanya ang kanyang asawa na isinulat nito noon pang 2019 sa isang note-taking application.

Credit: Nestor Flores Mangila Jr. Facebook

Dahil may password kaya hindi kaagad nabuksan ni Nestor ang iniwang sulat ng kanyang asawa. Nang mabuksan naman ito ni Nestor, hindi niya akalain na ang kanyang mababasa ay ang “saddest” at “most beautiful” letter o note na kanyang matatanggap mula sa kanyang asawa. Ibinahagi naman ni Nestor ang sulat ng kanyang asawa na nagpaiyak sa maraming netizens.

Sa nasabing sulat, sinabi ni Gladys na hindi niya inaasahan na gagawa siya ng goodbye letter para kay Nestor nang ganoon kaaga. Ayon pa sa kanya, nahirapan siyang isulat ito dahil mahal na mahal niya si Nestor at ayaw pa niyang magpaalam dito.

Credit: Nestor Flores Mangila Jr. Facebook

Inamin din niyang hindi niya maiwasang kwestiyunin ang Diyos kung bakit kailangan niyang iwan ng ganoon kaaga si Nestor dahil hindi pa umano siya nakakabawi sa lahat ng sakit na naidulot niya rito.

Ipinahayag din ni Gladys ang kanyang mga pangamba tulad ng baka makalimutan niya ang kanyang mga alaala tungkol sa kanyang pamilya, ang pakiramdam ng pagiging ina at maging ang maging asawa ni Nestor.

Gayunpaman, iginiit ni Gladys na alam niyang mahirap ang kanyang pagkawala ngunit kakayanin umano ito ni Nestor.

Credit: Nestor Flores Mangila Jr. Facebook

Bago wakasan ang kanyang sulat, sinabi ni Gladys na okay lang kay Nestor na magkaroon ng bagong partner. Tanggap na rin daw niya ang katotohanan na magkakaroon ng bagong ‘nanay’ ang kanyang mga anak. Ngunit masaya siya sa kaalaman na “deep inside their hearts” ay mananatili siya bilang kanilang ina.

Sa huli, nangako naman si Gladys na magiging okay siya at patuloy niyang babantayan si Nestor at ang kanilang mga anak.

Credit: Nestor Flores Mangila Jr. Facebook

Samantala, para naman kay Nestor hindi man sila umabot ng kanyang asawa sa puntong “until we’re grey and old,” sulit naman daw ang 15 taon na kanilang pinagsamahan.

Mensahe naman ni Nestor kay Gladys, “Maraming salamat din sa lahat, someday things will get better, magiging okay din ako — kami. Thanks for the adventure, now go have a new one.”