Ipinamahaging wedding invitation ng isang couple na mukhang “notice of disconnection” ng Meralco, instant fave ng madla!

Sino nga ba ang mag-aakala na ang natanggap na “billing statement” ng kuryente sa buwan ng Marso ay isa palang imbitasyon sa kasal in diguise? Kaya ang mga bisitang nakatanggap nito na unang nakaramdam ng kaba ay nauwi talaga sa labis na excitement at pagkaaliw!

Credit: Lyka Barista Facebook

Sa panahon ngayon, mas mainam talaga na maging practical sa lahat ng bagay lalo na’t sobrang taas na ng presyo ng mga bilihin ngayon. Hindi naman porket mas pinili nating magpaka-practical sa kasal ay nababawasan ang pagiging special ng event na ‘to katulad na lamang ng couple na si Joy Babor aka Lyka Barista na isang radio disc jockey at reporter na si Luisito Santos na sa kagustuhan nilang makatipid ay sinimplehan lamang nila ang kanilang wedding invitation pero dahil sa kanilang pagiging witty, bumenta talaga ito sa kanilang mga bisita pati sa netizens.

Isa sa magiging ninong sa kasal ng couple at ang nakatanggap ng kanilang imbitasyon ay ang MMDA traffic control chief na si Colonel Edison “Bong” Nebrija na nagkaroon lang naman ng hilarious na reaksyon sa kanilang unique at Meralco-inspired na wedding invitation!



“Yung akala mong Notice of Disconnection ngayon pala Notice of Invitation!” sulat ni Chief Bong sa caption ng kanyang Facebook post kung saan ay ibinahagi niya ang natanggap niyang wedding invitation na may matinding resemblance sa letter na madalas ibinabahagi ng Meralco sa kanilang users.

Sa unang sulyap, mapagkakamalan talaga na galing ang envelope sa Meralco pero kung pagmamasdang mabuti, imbes na Meralco ay Mahalco ang nakasulat sa logo kung saan ang address na nakalagay ay ang venue pala sa magaganap na kasal ng kanyang mga magiging inaanak.

Credit: Lyka Barista Facebook

Ayon kay Chief Bong, kinabahan umano siya nang nakatanggap ng inaakala niyang “notice of disconnection” ng Meralco kaya ganoon na lamang talaga ang gulat niya nang natuklasang wedding invitation pala ang kanyang natanggap.



“Pambihara LA and Joy pinakaba nyo ako dun ah. Akala ko Meralco ngayon pala Mahalco,” saad ni Chief Bong. “Hahaha the most unique invitation I ever had.”

Credit: Lyka Barista Facebook

Hindi na talaga bago sa atin na sa tuwing may kasal na magaganap, makakatanggap talaga tayong mga bisita ng fancy at bonggang wedding invitation kaya medyo naninibagao talaga tayo sa ganitong klaseng imbitasyon na bagama’t simple ay sobrang laki naman ng impact dahil sa uniqueness nito kaya hindi na talaga kataka-taka kung bakit instant fave kaagad ng netizens ang wedding invitation ni LA at Joy!