Pinatunayan ng nagsauli ng isang mamahaling cellphone na ang kahirapan ay hindi dahilan upang gumawa ng masamang bagay.
Credit: @jade.baluyot.566 Facebook
Ito ay matapos niyang piniling ibalik sa may-ari ang napulot niyang mamahaling cellphone sa loob ng isang jeep.
Hinangaan ng may-ari na si Patricia Tawat ang katapatan at kabutihan ng nagsauli sa kanyang cellphone na si Christian Baluyot.
Sa kabila umano raw kasi ng hirap ng buhay ay mas pinili ni Christian na gawin ang tamang bagay at ito ay isauli ang napulot niyang cellphone.
Sa isang Facebook post, isinalaysay ni Patricia na labis ang kanyang kabang naramdaman nang mapag-alaman niyang nawawala ang kanyang cellphone.
Kaagad umano niyang tinawagan ang kanyang cellphone at laking pasalamat niya na matapos ang dalawang ring ay sumagot na ang nakapulot ng cellphone na walang iba kundi ang 22-anyos na si Christian.
Credit: @jade.baluyot.566 Facebook
Ayon pa kay Patricia, inakala niyang hindi na mababalik sa kanya ang kanyang cellphone kaya naman laking gulat niya dahil walang pag-aalinlangang sinabi umano ni Christian sa kanya na ibabalik niya ang cellphone.
“Tinry kong tawagan yung phone ko. Pangalawang ring pa lang, MAY SUMAGOT. Lalaki,” kwento ni Patricia.
Dagdag niya, “Akala ko hindi na mababalik sakin. Kasi iniisip ko madaming nangangailangan lalo na sa panahon ngayon. PERO HINDI.”
Samantala, bago pa ibinahagi ni Patricia ang katapatan ni Christian, pinatunayan na nito na wala siyang intensyon na hindi ibalik ang napulot nitong cellphone.
Noong August 6, nag-post si Christian sa kanyang Facebook account tungkol sa napulot niyang cellphone.
Sulat ni Christian sa kanyag post, “Kung sino ka man ate/kuya hihintayin ko po tawag mo ibabalik ko [itong] cellphone mo dahil wala pong tinuro saken ang magulang ko magnakaw babalik ko po [itong] napulot kong cellphone please share sa jeep ko po napulot thanks.”
Credit: @triciapaat Facebook
Si Christian ay isang ama sa tatlo niyang anak at siya ay naghahanap-buhay bilang isang merchandiser. Lingid sa kaalaman ng marami, ang isa sa tatlong anak ni Christian ay may espesyal na pangangailangan.
Hindi naman napigilan ni Patricia na humanga kay Christian dahil sa katapatang ipinakita nito sa kabila ng pagiging hirap nito sa buhay.
“Napakabuti mo, Lord. Napakabuti mo, Kuya…Saludo ako sayo kuya. Sobrang swerte ng mga anak mo sayo. Napakabuti mo,” ani Patricia.
Credit: @jade.baluyot.566 Facebook
Sa huli, napagtanto naman ni Patricia na mayroon pa ring mga taong pipiliin ang tama sa kabila ng pagiging hirap at gipit sa buhay.
“Sa panahon ngayon meron pa ring mga taong kahit hirap at gipit sa buhay, hindi pa rin sasagi sa isip [nilang] gumawa ng masama, mas pipiliin [pa ring] maging mabuti,” pahayag ni Patricia.