Isang anak na OFW, nagpanggap na delivery rider para sorpresahin ang mga magulang na ilang taon na niyang hindi nakikita!

Isa sa pinakamalaking hamon na kailangang harapin ng maraming Overseas Filipino Workers (OFW) habang nagtatrabaho sa ibang bansa ay ang labis na pangungulila sa kanilang mga mahal sa buhay o homesickness.

Credit: Sharmaine Santos Facebook

Kaya naman ang makitang muli ang kanilang pamilya pagkatapos ng ilang taon ay isa sa mga pinakamasayang sandali ng pag-uwi ng isang OFW.

Marami naman sa mga nagbabalik na OFW ngayon ay may iba’t ibang paandar upang gawing espesyal ang muling pagkikita nila ng kanilang pamilya.

Nagpaiyak nga sa maraming netizens ang ibinahaging video ng OFW na si Sharmaine Santos kung saan mapapanood ang pagsosorpresa niya sa kanyang mga magulang.

Kamakailan lang, umuwi sa Pilipinas si Sharmaine na isang OFW sa Singapore. At para sorpresahin ang kanyang mga magulang, nagpanggap siya bilang isang delivery rider ng kilalang online shopping mall sa bansa.

Credit: Sharmaine Santos Facebook

Mapapanood sa video na mula sa tinutuluyan niyang hotel, dumiretso agad si Sharmaine sa bahay ng kanyang mga magulang.

Para naman matagumpay na maisagawa ang kanyang delivery prank, nagbihis pa siya ng uniform ng nasabing online shopping mall. May dala rin siyang isang pekeng parcel na gagamitin niya para i-prank ang kanyang mga magulang.

Pagdating sa kanilang bahay, kaagad na isinagawa ni Sharmaine ang kanyang plano kasabwat ang kanyang mga kapatid. Tinawag nila ang kanilang ina na si Nanay Aida Santos at sinabi ritong may dumating na parcel na nakapangalan sa kanya. Laman ng parcel ay isang box ng cellphone na ayon sa “rider” ay nagkakahalaga ng halos P5,000.

Credit: Sharmaine Santos Facebook

Makikita sa video na nabigla ang kanilang ina at iginiit na wala siyang in-order na bagay na ganoon kalaki ang halaga.

Dahil ayaw magbayad ni Nanay Aida, hiniling ng “rider” na magpa-picture sila bilang patunay na idineliver niya ang item pero tumanggi silang magbayad.

Sa sandaling ito, tinanggal na nga ng “rider” ang suot niyang helmet at [email protected] at saka lumapit kay Nanay Aida para magpa-picture. Hindi naman kaagad napansin ni Nanay Aida na ang “rider” na katabi niya ay anak pala niya! Gayunpaman, hindi rin nagtagal at napansin niyang si Sharmaine ang “rider” na yumakap sa kanya.

Credit: Sharmaine Santos Facebook

Matapos makitang si Sharmaine iyon, napasigaw at napaiyak na lamang sa labis na kaligayahan si Nanay Aida. Tuwang-tuwa rin ang ama ni Sharmaine na makitang muli ang kanyang anak pagkatapos ng maraming taon na nasa ibang bansa ito at nagtatrabaho.

Samantala, mabilis na nag-viral ang video ng pagsosorpresa ni Sharmaine sa kanyang mga magulang na nagpaluha sa maraming netizens na nami-miss na rin ang kapamilya nilang OFW o ang kanilang mga magulang.

Credit: Sharmaine Santos Facebook

Sa ngayon, umabot na sa halos 8 million ang views ng video ng emosyonal na reunion ni Sharmaine at ng kanyang mga magulang.