Isang anak, naluha matapos matuklasan ang ginagawang pagsasakripisyo ng kanyang ama

May iba’t ibang paraan ng pagsasakripisyo ang bawat magulang para lamang mabigyan ng maayos at maginhawang buhay ang kanilang pamilya o mga anak.

Credit: @aldi.relqno Facebook

Tulad na lamang ng isang ama na nag-viral kamakailan matapos ikwento ng kanyang anak ang mga pagsasakripisyo na ginagawa niya para sa kanila.

Maraming netizens ang naantig ang puso sa kwento ng Facebook user na si Aldi Relqno nito lamang September 2.

Sa post na pinamagatan pa ni Aldi na “Ang Tatay Kong Palihim Kung Kumain,” ibinahagi niya ang malalim at nakakaantig na dahilan na kanyang napag-alaman kaya hindi sumasabay sa pagkain sa kanila ang kanilang ama.

Ayon kay Aldi, naisipan niyang sundan ang kanyang ama nang bumaba ito ng dis oras ng gabi. Sa panahong umanong iyon ay tapos na silang maghapunan na mag-anak maliban na lamang sa kanilang ama.

Kwento niya, hindi sumasabay sa kanila ang kanilang ama sa pagkain, isang bagay na ipinagtataka niya. Parati umano nitong idinadahilan sa kanila na busog na siya o tapos nang kumain.

Credit: @aldi.relqno Facebook

Kaya naman naisipan niyang sundan ang kanyang ama nang bumaba ito isang gabi. Dito nga niya napag-alaman na kaya gabing-gabi na kumakain ang kanyang ama dahil ipinapaubaya nito sa kanilang magkapatid ang ulam.

Salaysay ni Aldi, hindi niya napigilang maluha habang pinapanood ang kanyang ama na kumakain at ipinagkakasya lamang ang sarili sa ulam na bagoong at sibuyas.

“Ganito pala ginagawa ni papa pag tulog na kami, Kumakain sya ng hating gabi.Tuwing hapunan Hindi sya sumasabay saamin, laging tapos na o busog pa daw. Kaya pag kakain na kami sya lang wala, Yun pala sa gabi sya Kumakain, Dahil pinapaubaya nalang saamin ang ulam…” kwento ni Aldi.

Credit: @aldi.relqno Facebook

Sinabi naman ni Aldi na kaya niya kinuhanan ng video ang ama dahil naawa siya sa sitwasyon nito. Hindi na umano kasi ito makapagtrabaho matapos itong [email protected] noong nakaraang Marso.

Paglalahad ni Aldi, isang OFW ang kanyang ama ngunit matapos mad!sgrasya ay napilay ang kanang kamay nito dahilan kung bakit malabo na itong makabalik sa trabaho.

Credit: @aldi.relqno Facebook

“Kinuhanan ko ng video ng hindi nya alam para I post ko sa FB si papa Kasi [email protected] ng truck noong MARCH 18, 2021 na Hanggang Ngayon ay Wala pang nangyayari sa kanyang Kaso Ang pag ka alam ko ay di pa tapos mag-aanim na buwan na Hanggang ngayon Halata ko Kay papa na hirap syang kumilos dahil sa kanyang [email protected] na hindi pinapahalata sa Amin magkapatid,” bahagi ni Aldi.