Sa pagtitiyaga, nagawa ng isang babae na mapagtagumpayan ang kanyang negosyong ukay-ukay!
Hindi naman lingid sa kaalaman ng karamihan na maliban sa murang halaga, napakaganda rin ng quality ng mga damit na ibinebenta sa ukay-ukay. Noon pa man, marami na ang sumasabak sa negosyong ito pero hindi lahat ay nagtatagumpay ngunit dahil sa pagtitiyaga at pananalig sa sarili, nagawa ni Rachel Lucañas na mapalago ang negosyong ukay-ukay.
Credit: Rachel Lucanas Facebook
Bibihira lamang ang may suwerte sa pagnenegosyo pero sa sitwasyon ni Rachel, hindi niya kailanman sinukuan ang kanyang business na ukay-ukay hanggang sa tuluyan nga niya itong napalago.
Nakapagtapos si Rachel ng pag-aaral sa kursong Business Administration major in Business Management noong 2016 sa University of Batangas. Ngayon ay nagagamit ni Rachel ang kanyang natutunan sa pagpapalago ng kanyang negosyo.
Credit: Rachel Lucanas Facebook
Bago maabot ang tagumpay, inamin ni Rachel na hindi naging madali para sa kanya ang pinagdaanan lalo na’t napakaraming tao ang humusga sa kanyang naging desisyon hanggang sa umabot pa sa punto na pinagdudahan ng mga ito ang kanyang kakayahan sa pagpapatakbo ng negosyo lalo na’t napakalayo ng kanyang natapos na kurso sa pagbu-business.
Napaka-fierce ng kompetisyon lalo na’t napakarami ngayon ang pumasok sa pagnenegosyo ng ukay-ukay dulot na rin ng hirap na dulot ng p@ndemya ngunit hindi ito naging dahilan upang paghinaan ng loob si Rachel.
Sa pagsisimula ni Rachel sa kanyang ukay-ukay business, isang bulto ng mga damit ang kanyang binili at ibinenta online. Sa kanyang dedikasyon na mapalago ang negosyo, si Rachel pa mismo ang nagsuot at naging modelo sa mga ibinebenta niyang mga ukay-ukay na damit.
Credit: Rachel Lucanas Facebook
Marami namang netizens ang humanga kay Rachel nang nalamang nagsimula lamang siya sa iisang bulto ng ukay-ukay at siya pa mismo ang nagbebenta at nag-aasikaso ng orders. Hindi naman nagtagal, nagbunga na rin sa wakas ang lahat ng paghihirap ni Rachel at ngayon ay nakapagtayo na nga ng sariling warehouse at kumakailan lamang nang nagkaroon na rin ng van na magagamit sa gagawing deliveries.
Ngayon na nagbunga na ang ibinuhos na effort at dedikasyon ni Rachel sa negosyong ukay-ukay, hindi naman siya nakalimot sa kanyang pamilya na naging sandigan niya noon pa man. Inalay ni Rachel ang tagumpay niya sa kanyang pamilya at ngayon ay nagawa ng ipaayos ang kanilang bahay.
Credit: Rachel Lucanas Facebook
Nagsimula sa isang bulto ng ukay-ukay hanggang sa sandamakmak na bulto ng mga ito, nagsilbing inspirasyon si Rachel sa mga taong katulad niya na may pangarap din na mapalago ang kanilang negosyo.
Sa makabuluhan na kuwentong ito ni Rachel, marami ang naging ganado ulit na magpatuloy.