Isang bata na nadiskubre ang talento sa pagkanta dahil sa karaoke, may sarili nang YouTube channel ngayon!

Sa tuwing may natutunghayan tayong mga tao na sobrang talented sa larangan ng pagkanta o hindi kaya’y pagsayaw, talagang hindi natin napipigilan ang urge magtanong ng “May favorite ba si Lord” ngunit mas nangingibaw talaga ang ating paghanga.

Credit: Sabrina Millare Channel YouTube

Marami na tayong nasaksihang mga kuwento tungkol sa mga taong simple lamang ang buhay noon ngunit nang nadiskubre ang kanilang talento ay kaagad na sumikat. Isa lamang sa mga ito ay si Lyka Gairanod na sa napakamurang edad ay ipinamalas na ang kanyang husay at galing sa pagkanta.

Credit: Sabrina Millare Channel YouTube

Kung “The Voice Kids” ang naging daan ni Lyka Gairanod tungo sa kasikatan at success bilang isang singer, isa namang karaoke sesh ang nagbukas ng maraming opportunities para sa batang si Sabrina Millare.

Habang nasa kalagitnaan ng pagba-babysit, sumabak sa pagkanta sa karaoke ang batang si Sabrina Millare kung saan ay bumirit siya kantang “Pangarap Ko Ay Ibigin Ka” ni Regine Velasquez. Dahil sa mataas na nota ng kantang ito, marami talaga ang nahihirapan at nakakapusan ng hininga ngunit para kay Sabrina, hindi man lang siya pinagpawisan. Sa katunayan, ipinamalas pa nga niya niya ang kanyang kakayahan sa pag-whistle na tiyak ay aakalain mo’y parang si Morisette Amon.

Credit: Sabrina Millare Channel YouTube

Unang ibinahagi sa social media ang video na ito ni Sabrina dalawang taon na ang nakakalipas na kaagad namang pumatok sa netizens dahil marami ang bumilib sa talento ng bata sa pagkanta.

Credit: Sabrina Millare Channel YouTube

Dahil sa hindi inaasahang pag-viral sa video ni Sabrina kung saan ay kumanta siya ng “Pangarap Ko Ay Ibigin Ka,” naisipan niya na gumawa ng Youtube channel at ngayon ay patuloy sa pagmamalas ng kanyang kahusayan sa pag-awit. Marami na rin siyang na-cover na mga kanta katulad na lamang ng “Never Enough” na soundtrack sa pelikulang “The Greatest Showman,” “One Moment In Time” ni Whitney Houston, “Naririnig Mo Ba” ni Morisette Amon, at marami pang iba.

Credit: Sabrina Millare Channel YouTube

Kasalukuyan ngayong may mahigit 23, 000 subscribers si Sabrina Millare sa Youtube ngayon. Kung noon ay simpleng pakanta-kanta lamang sa karaoke, ngayon naman ay marami na siyang napapabilib at na-iinspire.