Isang estudyante, nagkunwaring na-suspend sa eskwelahan para surpresahin ang nanay ng isang magandang balita

Marami nang sumabak sa pagpa-prank bilang paraan nila upang manakot o hindi kaya’y mang-uto ng kanilang kaibigan o miyembro ng pamilya para sa enjoyment na idudulot ng inaasahang tawanan kapag natuklasan na ang katotohanan. Ngunit ginagawa naman ito ng karamihan upang surpresahin ang taong napagdesisyunan nilang i-prank marahil ay dahil sa kakaibang effect nito kumpara sa simple at ordinaryong paraan ng pagsu-surprise.

Credit: Allane Maverick Barles Facebook

Nakita na ng karamihan ang pranks ng mga artista o sikat na vloggers sa YouTube ngunit kayang-kaya rin ng ordinaryong mga tao na tapatan ang level ng enjoyment kapag sila na ang nagpa-prank katulad na lamang ng lalaking galing sa Bulacan na bumihag sa atensyon ng netizens sa ginawa nitong prank sa kanyang nanay.

Marso pa noong taong 2020 nang nangyari ang prank ni Allane Maverick Barles ngunit muli na naman itong nag-viral dahil sa naging reaksyon ng kanyang nanay matapos malaman ang katotohanan mula sa anak.

Hindi umano planado ang prank ayon kay Allane ngunit naisip niyang malaman ang magiging reaction ng kanyang nanay kapag sinabi niyang suspended siya na hindi umano niya kailanman naranasan sa kanyang buong buhay bilang isang estudyante.

Credit: Philippine Star Facebook

Dahil isa rin siyang athlete, talagang struggle para kay Allane na mapagsabay ang kanyang pag-aaral kaya naman sobrang naniwala ang kanyang Mommy Marinel nang sinabihan niya itong nag-cheat siya sa kanyang exam at nagkaroon ng tatlong araw na suspension. Ngunit imbes na magalit sa narinig na balita galing sa anak, kalmado lamang itong nakikinig at sa hindi pag-aakala ni Allane, niyakap siya ng mahigpit ng kanyang nanay.

Matapos ibigay ang envelope na naglalaman sana ng masamang balita, hindi mapigilan ni Mommy Marinel na maging emosyonal nang nakita ang certification na nagpapatunay na isa palang achiever si Allane!

Noon pa man, nakanasayan na ni Mommy Marinel na umakyat ng stage dahil mula pa noong elementary, palagi nang nakakahakot ng awards si Allane kaya talagang hindi niya inasahang mananatiling kalmado ang kanyang nanay.

Credit: Philippine Star Facebook

“I was really touched no’ng time na ‘yun. First time lang mangyari ‘yung ganun na magsasabi kami… isa sa aming magkakapatid na suspended kami,” ayon kay Allane.

Ayon kay Allane, isa umano ito sa mga hindi malilimutang moment sa kanyang buhay dahil sa genuine na reaksyong nakuha niya sa kanyang nanay matapos itong i-prank.

Credit: Philippine Star Facebook

Hands-on at generous talaga si Mommy Marinel at dahil puro lalaki silang magkakapatid, talagang reyna ang turing ng pamilyang Barles sa kanilang nanay.

Idinaan man sa prank ang pagpapaalam sa magandang balita, talaga namang kahanga-hanga ang relationship ng mag-inang Allane at Marinel.