Isang flight attendant, sinurpresa ng kanyang boyfriend ng sweet na wedding proposal sa kalagitnaan ng flight!

Tunay nga na walang imposible pagdating sa pag-ibig dahil kahit nasa himpapawid man, hindi talaga mapipigilan ang sigaw ng puso.

Credit: Paolo Emmanuel Magsino Facebook

Magkakaiba talaga ang ating pananaw sa iba’t-ibang bagay pero karamihan sa mga kababaihan ay minsan na talagang nangarap na sana’y makaranas sila ng sweet na proposal galing sa taong iniibig nila at tila’y narinig naman ng langit ang kahilingan ng isang flight attendant na si Ailla Nolasco, dahil hindi lamang simple at pangkaraniwang proposal ang kanyang naranasan dahil sinigurado lang naman ng kanyang boyfriend na magiging memorable para sa kanilang dalawa at para sa lahat ng mga taong saksi ang pangyayaring ito.

Marami na tayong nasaksihang proposal na pare-parehong bongga at sweet pero tila’y naiiba talaga ang paraan ni Paolo Emmanuel Magsino dahil hindi lang naman niya ito idinaan sa simpleng dinner date o panonood ng sine ang paghingi sa kamay ng kanyang girlfriend na si Ailla, dahil ginawa lang naman niya ito sa kalagitnaan ng flight!

Credit: Paolo Emmanuel Magsino Facebook

Sa ikaapat na anniversary ng couple, naisip ni Paolo na gawing extra ang kanilang celebration kaya todo talaga ang effort na ginawa niya dahil nakipagtulungan lang naman siya sa mismong airline na pinagtatrabahuhan ng girlfriend upang mapagtagumpayan ang kanyang plano.

“I emailed AirSwift if they can help me out sa proposal ko kay Ailla and luckily naging very supportive sila sa plan ko. Nag-setup kami ng kunwaring video and photoshoot for marketing ng AirSwift at kunwari si Ailla ang magiging model,” pagbabahagi ni Paolo.

Clueless sa plano ng boyfriend, paniwalang-paniwala talaga si Ailla sa lahat ng nangyayari kaya wala talaga siyang kaalam-alam na isa pala sa kanilang mga pasahero si Paolo hanggang nabanggit nga ito ng kanilang piloto sa intercom na labis namang ikinagulat ni Ailla.

Credit: Paolo Emmanuel Magsino Facebook

Sa harap ng mga katrabaho ni Ailla at sa lahat ng kanilang mga pasahero, matatag na ipinagtapat ni Paolo ang kanyang nararamdaman para sa girlfriend. Sa touching at sincere na confession ng boyfriend, hindi talaga naiwasan ni Ailla na maging emosyonal.

Mula sa pagpaplano hanggang sa confession, sa wakas ay hiningi na ni Paolo ang kamay ng girlfriend sa pagpapakasal na masaya namang sinagot ni Ailla ng “yes”.

Credit: Paolo Emmanuel Magsino Facebook

Kahit lumipas pa man ang napakahabang panahon, mananatili pa rin ang appreciation ng mga kababaihan sa effort at sincerity na ipinapakita ng isang lalaki kaya ang masaksihan ang boyfriend na nakipag-coordinate pa talaga sa AirSwift upang mapagtagumpayan lamang ang kanyang proposal ay humaplos talaga sa puso ni Ailla.