Isang groom, inakalang joke ang pagkapanalo niya ng isang milyong piso sa araw ng kanyang kasal!

Akala ng groom na [email protected], ‘yun pala hindi!

Credit: The Burning Bush Facebook

Ano nga ba ang kadalasang highlight sa isang kasal? Marahil ay marami ang kinikilig kapag binabasa na ng bride at groom ang kanilang vows, naiiyak nang binabalikan ang kuwento ng kanilang pagmamahalan o hindi kaya’y na-eexcite sa reception ngunit para sa wedding ng couple na si Gab at Jas, tila’y may kakaiba naman silang highlight dahil nakatanggap lang naman ang groom ng isang milyon sa mismong araw ng kanilang kasal!

Yes, malaking regalo na para kay Gab ang kanyang mapapangasawa ngunit maliban sa kanyang bride, may gift pa palang siyang isang milyong piso!

Habang nasa kalagitnaan ng kanilang photoshoot kasama ang kanyang groomsmen, bigla na lamang nakatanggap ng tawag si Gab galing sa isang restaurant na nag-inform sa kanya na nanalo umano siya ng isang milyong piso. At dahil uso na ngayon ang [email protected], talagang hindi siya naniwala at medyo nainis pa nga lalo na’t espesyal para sa kanya ang araw na ‘yun.

Hindi umano kailanman sumagi sa kanyang isipan na ang akala niyang [email protected] na isang milyon ay regalo pala ng kanyang bride na nakatakdang magagamit sa unang anniversary ng kanilang wedding.

“Medyo na-badtrip ako kasi ang init tapos may tatawag sa’kin ng 1 million pero thank you mahal sa post dated check,” pahayag ng groom.

Credit: The Burning Bush Facebook

Pagkukuwento ng bride, bago pa man sila nagkakilala ni Gab, may “one day millionaire attitude” umano ito pero kalaunan naman, natuto naman na siyang maging wise lalo sa usapang pera. Ngayon, careful na siya sa pagma-manage ng kanyang finances na labis namang ikinatuwa ni Jas.

Sa improvement na ito ni Gab, talagang buo ang tiwala ni Jas na deserve ng kanyang groom na makatanggap ng regalong isang milyon. Isa pa, nakalaan naman ang perang ito sa kanilang kinabukasan na magkasama nilang haharapin.

Credit: The Burning Bush Facebook

Nang nakatanggap ng tawag at nalamang nanalo umano siya ng isang milyon, talagang kaagad na naisipan ni Gab na [email protected] ito lalo na’t marami na rin sa panahon ngayon ang nabibiktima nito ngunit nang nalaman na regalo pala ito ng kanyang bride, hindi niya naiwasang magulat dahil hindi talaga niya inasahan na si Jas pala ang nasa likod ng charade sa mismong araw ng kanilang kasal.