Isang groom, niregaluhan ng passbook na naglalaman ng P1M ang kanyang bride sa araw ng kanilang kasal

Isa lang naman ang marriage sa mga pinaka-sacred at espesyal na event sa buhay dahil ito ay union ng dalawang taong nagmamahalan. Kung ang nakasanayan man ng karamihan na wedding ay bongga mula sa decorations, reception, at marami ang imbitadong mga bisita para tunghayan ang pag-iisang dibdib ng couple, may kakaibang version naman ang lovebirds mula sa Bulacan dahil kahit na’y simple lamang ang kanilang wedding at limitado lamang ang kanilang guests, bawing-bawi naman ito sa bonggang regalo ni groom sa kanyang bride!

Credit: @paobgarciarph Tiktok

Aminado na parehong “kuripot” at practical, talagang napagkasunduan ng couple na si Paola Bernardo-Garcia at Ploy Thadeus Garcia na magkaroon na lamang ng simple at intimate na kasal kung saan ay 300,000 pesos lamang ang kanilang kabuuang gastos dahil mutual umano nilang napagdesisyunan na ipunin na lamang ang savings para sa kanilang future at magiging baby lalo na’t p@ndemic.

Credit: @paobgarciarph Tiktok

Sa kanilang wedding, nakatanggap ng necklace ang bride mula sa kanyang groom na si Ploy ngunit hindi niya inaasahan na makakatanggap pa pala siya ng dalawang passboook na naglalaman ng isang milyon! Oh ‘di ba? Bongga!

@paobgarciarph Received 2 gifts from him and this is my FAVORITE 🤪 #weddinggift #fyp #married2022 ♬ original sound – Paola Bernardo-Garcia – Paola Garcia

“Nag-come up ako sa idea na ganun kasi parang gusto ko maging inspirasyon para sa ibang tao,” pahayag ni Ploy.

Credit: @paobgarciarph Tiktok

“Kasi sa panahon ngayon, dapat maging praktikal tayo. ‘Yung mga blessing na natatanggap natin, dapat ginagamit natin ng tama kasi siyempre ‘pag sinasabing kasal, nandun ‘yung gastos kaya from the start pa lang, nag-usap na kami na dapat ‘yung budget ganito lang tapos ‘di natin kailangan magpakasal ng bongga.”

Credit: @paobgarciarph Tiktok

Pagkukuwento pa ng bride, hindi umano niya lubos maisip kung paano nagawa ng kanyang asawa na makapag-ipon ng isang milyon na sa pagkakaalam niya, kaunti na lang umano ang natira sa kanilang savings.

Credit: @paobgarciarph Tiktok

“Savings namin na natira since pinili namin na mag-intimate wedding lang. Then na shock lang ako kasi nagawa lang niyang one million. So ‘yun’ yung surprise. Hindi ko alam paano niya nasaktong one million. Kasi less than one million or maliit na portion lang ‘yung natira sa savings namin na para nga sa baby tapos para dun sa obligasyon ko,” ayon kay Paola.

Credit: @paobgarciarph Tiktok

Kakaiba man ang wedding ni Paola at Ploy Garcia sa nakasanayan, hindi naman matatawaran ang genuine na pagpaplano ng couple para sa kanilang future na talaga namang pasok na pasok sa #marriagegoals.