Isang grupo ng magkakaibigang magagaling kumanta, nagmistulang concert ang kanilang pagkakaraoke

Ayon nga sa kanila, “Birds of the same feather flock together” at ito nga mismo ang naglalarawan sa grupo ng magkakaibigan na viral ngayon sa Tiktok at Facebook dahil sa kanilang simpleng karaoke sesh na nauwi sa concert!

Credit: Fedrianne Quilantang Villanueva Facebook

Isa lamang bibihirang pagkakataon ang makatagpo ng mga taong may pareho ring interes at hilig kaya nang nahanap ang isa’t-isa, hindi nag-alinlangan si Fedrianne Villanueva at ang kanyang mga kaibigan na bumuo ng grupo kung saan lahat sila ay may talento at husay sa pagkanta.

Kung may mga magkakabigan na pare-parehong dancers, ano naman kaya ang mangyayari kapag nagsama-sama na sa iisang grupo ang mga taong hindi nagpapatinag kapag kantahan na ang pag-uusapan?

Credit: Fedrianne Quilantang Villanueva Facebook

Unang nag-viral sa Tiktok ang video na ipinost ni Fedrianne Villanueva kung saan ay mapapanood siya at ang kanyang mga kaibigan na nagsasalitan sa pagkanta sa bawat linya ng kantang “Listen” ni Beyoncé at simula ‘nun, lumaganap na rin sa Facebook ang kanilang video.

Sa hindi pag-aakala ni Villanueva, pumatok pala sa netizens ang video ng kanilang simpleng karaoke session at inulan ng nakakatuwa at positibong mga komento. Iilan lamang sa mga ito ay:

“So while me and my friends sound like dying cats, you and yours just woke up popstars? Got it!”

“Bakit ang galing nyo lahat? 👏”

“nkakahiya lumahok sa tropa nila🥰 grabeh sobrang gagaling niyo po… i salute sa inyo po”

“nakakahiya pag na tropa ko mga to😅”

Credit: Fedrianne Quilantang Villanueva Facebook

“kung sintonado ka hnd kana desarb maging tropa nila ahaha”

“audience entrance yata to sa ABS or sa GMA 😅”

Ayon kay Villanueva sa isang interview kasama ang PhilStar, kakauwi lamang ng iilan sa kanyang mga kaibigan galing sa Dubai at nang muling nakumpleto, hindi talaga nila pinalagpas ang reunion at makapag-bonding. Of course, isa sa kanilang paraan para makapag-enjoy habang magkakasama ay ang pagkaka-karaoke.

Credit: Fedrianne Quilantang Villanueva Facebook

At dahil pare-pareho silang nabiyayaan ng magagandang boses at talento sa pagkanta, ang simpleng karaoke sesh ay nagmistulan nang concert kaya marami talaga ang nagpahayag ng kanilang nakakatuwang reaksyon sa comment section ng mismong video dahil wala umanong makakatalo sa grupo ni Villanueva na all out at super birit talaga sa pagkanta ng “Listen”. Literal na makikinig na lamang talaga ang kasunod na grupo!